Chapter 42: Mahal Ko O Mahal Ako?

4 2 0
                                    

- Terrence POV

Umiiyak na naman ako dahil sa kasalanang nagawa ko.

"Naguguluhan ako. Sino ba ang pipiliin ko sa kanilang dalawa? Gusto ko man si Yves pero nasa puso ko si Aldrin."

"Fuck!" sabi ko at binato ko ang isa sa mga gamit na nasa kuwarto ni Yves.

May nabasag na salamin dahil sa sobrang hindi ko na talaga ma-kontrol ang sarili ko ngayon.

"Rence. Okay ka lang ba diyan? What's going on?" sabi ni Tita Claridad sa pinto.

"Okay lang po ako Tita."

"Anak, let me in."

Pagkapasok na ni Tita sa kuwarto ko ay hindi na ako makapagsalita.

"What happened?"

"Tita, naguguluhan na po talaga ako."

"Ano ba ang nangyari 'nak?"

"Hindi ko naman po sinasadyang masaktan ko ang anak po ninyo."

"Huh? A-anong ginawa mo sa anak ko?"

"Nasaktan po kasi siya sa narinig niya nung nananaginip ako tungkol kay Aldrin."

"Hindi na ako magtataka. Kahit noon pa lang, hinahanap mo na 'yan kaysa sa anak ko. Mabait ang anak ko, Rence. Hindi mo ba siya gusto?"

"Matututunan ko naman din po siyang mahalin soon, Tita. Sinabi ko naman po sa kaniya na hintayin lang po ako. Hindi ko naman po siya paaasahin, ni paliwanag ko 'di man lang niya pinakinggan. Nasaktan po kasi ako sa ginawa ni Aldrin sa akin."

"Akala ko po ba Tita, naiintindihan mo po ang sitwasyon ko? But... parang against ka na po sa akin?"

"Sinaktan mo ang anak ko. Ayusin niyo muna 'yan bago mo ko ulit kausapin," sabi ni Tita Claridad at umalis na ito sa harapan ko.

Humahagulhol ako ng iyak ngayon dahil wala man lang nakakaintindi sa sitwasyon ko, kaya ang naisip ko na lang ngayon ay tawagin si Kuya Yashua.

*ringing*

......

"K-Kuya?"

"Yes Bunso? Oh, umiiyak ka? Buti nahiram ko sa nurse itong cellphone. Anong nangyari diyan? Okay ka lang ba?"

"K-Kuya, punta pala muna ako diyan sa 'yo. At diyan muna ako sa 'yo matutulog."

"Bakit? Ayaw mo na ba diyan sa bahay ni Tita Cla?"

"Sasabihin ko na lang sa 'yo Kuya ang nangyari kapag nakapunta na ako diyan sa 'yo."

"Sige Bunso, sana payagan ka na makatulog ka muna rito. Nami-miss na rin kasi talaga kita. Sorry kung nag-away tayo nitong nakaraan, dahil kasalanan ko naman 'yon."

"Okay naman na tayo Kuya. O siya, punta na ako diyan Kuya. Pero kunin ko lang 'yong cellphone sa kuwarto mo."

"Sige, tawagan mo na lang ako ulit Bunso kapag malapit ka na, ha?"

"Sige Kuya."

*call ended*

Nagmamadali na ako ngayon, naligo na agad ako at nagbihis para pumunta na muna ako kay Kuya.

Pagtapos ng ginawa ko ay kinuha ko na muna ang bag ko at lumabas na muna ako ng bahay at nakita kong nasa tapat lang si Yves ng bahay, tumingin lang ako at umiwas siya ng tingin sa akin, kaya nakaramdam agad ako ng lungkot.

Hindi ko na lang sa kaniya ipinakita ang bagay na 'yon kaya naghanap na lang ako ng masasakyan papunta kay Kuya.

Nang may nakita na akong sasakyan ay sumakay na agad ako.

A Man In My Dream (Boys Love) [Ongoing Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon