Witnessed

200 6 0
                                    

Last day ng intramurals. Sa araw na iyon, ilang ulit nagkasalubong si Addi at Warren pero ang binata mismo ang umiiwas sa kanila. Gustong gusto man na ni Warren na kausapin si Addi pero pinipigil niya ang sarili. His level of temptation is driving him mad ngunit kapag naaalala niyang may asawa ito, kumukulo ang dugo niya. He wants to get to know who that lucky guy is. Gusto nitong ikompara ang sarili kung may laban man siya o wala.

"Hanggang kailan kayo magkakailangan ha?" siniko ito ni Tami. "Alam ko gusto mo na siyang kausapin"

Bumuga ito ng marahas na hangin at bagsak ang dalawang braso.

"You don't know anything, Tami" naglakad ito matapos kunin ang pagkaing inorder at naghanap ng mesa. Sumunod parin naman si Tami sa kanya.

"Wala nga. Pero mali ba ako? Gusto mo na siyang kausapin di ba?"

"Ano naman kung oo? Pagkatapos namin mag-usap magkakaiwasan pa rin naman kami habang buhay" sinimulan nitong kagatin ang hawak na burger.

"Wala lang, if you guys wants some closure then be it. At least you heard her side, and she heard yours."

Wala itong imik. Closure? That's not what he wants.

"I don't want a closure. I want her, alone"

Napatunganga si Tami sa nadinig at bahagyang nasamid sa iniinim na iced tea. Pinalo palo nito ang dibdib at nagpapaabot ng tissue kay Warren. Hindi niya inaasahan iyon.

"The heck, Tami, are you okay?" hinagod hagod nito ang likod ng dalaga na wala pa ring humpay ang pag-ubo. Nag OK sign ito gamit ang mga daliri.

"Tama ba nadinig ko, Warren?"

"Y-yeah?"

"Di ba nga may mahal na siya?"

"So?"

"Holy hell" nakauwang nitong bulyaw. "Aagawin mo siya ganun?"

"Right" sagot nito habang nginunguya ang burger. Baliw na kung baliw at talaga namang baliw na siya kay Addi.

"Paano naman kung ayaw niya aber?"

"Let's see what will happen." panghahamon nito.

Abot langit ang kaba ni Addi habang hinihintay e announce ang nanalo sa drawing contest. Punong puno na ng hiyawan ang buong covered court sa pag-anunsyo sa mga naunang nanalo. She's not confident but she's praying. Ginawa din naman niya lahat ng makakaya niya kaya deserve rin naman din siguro niyang ipagdasal ang panalong iyon.

"And our 2023 Drawing Contest is from Sophomore Team!" halos mabugto ang hininga nila pareho ni Tami na naghihitay i-anunsyo kung sino sa mga kabaro sila sa second year ang nanalo. "Zapatti, Addison!" napuno nang tilian sa gawi nila Addi. Nagsisigawan rin ang mga classmates niya at iba pang mga second year students para sa kanya.

"Punta ka na sa stage, daliiiii" tulak sa kanya ni Tami.

Maluha luha itong tumungo sa stage at sinuot ang gold medal. Hindi ito nakapaniwalang nanalo siya sa patimpalak na iyon na unang una niyang sinalihan. Nawala na lang ang kasiyahang nadarama ng mapansin tumikhim si Warren nang mapang-abot ang kanilang mga mata. Nakadama ito ng pagka-insulto at inis. Is he teasing her? Umikhim ba siya dahil kung sumali ito, tiyak na hindi siya ngayon ang may suot ng medal.

Singkit kilay nitong hinanap si Warren. Kung saan saan suya tumungo ngunit hindi niya ito nakita sa classroom nila, sa canteen. Isang lugar na lang ang hindi pa niya napubtahan. Ang rooftop ng ika-apat na building ng campus. Hindi nga siya nagkamali dahil andoon ang binata at seryusong nakatayo habang tinatanaw ang mga taong nasa ibaba. May soccer game sa mga oras na iyon kaya ay maraming tao sa babang field na tanaw sa tuktok ng gusali.

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon