Caught

200 6 0
                                    

Malalim ang iniisip ni Addi habang nagb-byahe patungo sa apartment ni Tami. Birthday ngayon ng kaibigan at nag imbita itong doon sila mag sleep over.

Gumising siya ng maaga para maghanda ng agahan. Nang pababa ang asawa niyang si Levi ay may kausap na ito sa cellphone niya. Nag pang-abot saglit ang mga mata ngunit umakyat ito ulit para magkaroon ng pribadong lugar sa kausap nito sa kabilang linya. Nakakapanibago talaga iyon sa kanya. Nang sabay silang kumain, isiningit niya ang pagpapaalam sa sleep over niya kina Tami at agad naman itong pumayag. Niyakap yakap naman siya ng asawa at hinalik halikan ito bago siya umalis pero ramdam pa rin nito ilangan nilang dalawa. She miss the old Levi she knew.

"Hi, my bestfrieeeeend!!!" tumitiling salubong sa kanya ni Tami. Bestfriend? Is Tami claiming her as her bestfriend?

"Happy birthday" bati niya. Kahit mabigat ang loob niya ay kailangan niyang magpanggan na masaya para sa kaibigan niya ngayong araw.

"Yeeey thank you. I am so excited sa sleep over natin mamaya" paakyat na sila sa apartment ng kaibigan.

"Are you sure na okay ka lang na ako kasama mo sa birthday mo? Di ba pinapauwi ka ng parents mo?"

"Anong ikaw? We're three" pagbukas ni Tami sa pinto ay may isa pa palang taong andoon maliban sa kanya.

Warren.

Nagpang-abot ang mga mata nila at agad namang nagkaiwasan. Madalang na rin niyang makita ang lalake dahil pa minsan minsan na lang itong pumapasok. Undeniably, she miss her friend of hers.

Hinigit ni Tami si Warren kaya silang tatlo ngayon ay magkadikit.

"Ano ba, pagbigyan niyo na ako. Pareho ko naman kayong kaibigan eh. Saka magbati na kayo please. Kawawa naman ako palipat lipat ako ng friends. Hmp!"

Addi painted a fake and simple smile.

"Saan ko ilalagay mga gamit ko?" putol ni Addi sa katahimikan.

"Sa kwarto" sagot ni Tami.

"Akin na, ako na maglalagay" Warren volunteered. Also faking his gestures.

"Thanks"

Ngumisi ng malapad si Tami dahil nagpansinan na sila. Syempre namiss niyang makasama silang dalawa.

"Ang saya ko today! Ehehe! So, ano gusto niyo kainin? Samahan nyo akong mag grocery."

Tulak tulak ni Addi at Tami ang cart while si Warren naman ay sunod lang ng sunod sa dalawa. Umuwang ang mga labi ni Addi ng kumuha ito ng mga alak na maiinom.

"Excuse me? Fyi hindi ako umiinom"

"Edi nice. First time mo today at sa birthday ko pa" mapang-akit na inangat angat ni Tami ang dalawang kilay sabay lapag ng tatlong tequila sa cart. "Warren, anything you want to buy? Chips, snacks?"

"A box of cookies will be great" aniya.

Napadaming pinamili ni Tami. Mag momovie night sila mamaya kaya sandamakmak na chichirya ang binili. Bumili din sila ng ipang barbercue, burger, tortilla at korean fried chicken. Binilhan rin siya ng isang round chocolate cake ni Warren.

"Kawawa naman si Warren siya lang pinaglagay mo sa mga pinamili natin?"

"Ano ba okay lang. Alam naman natin pareho na napaka gentleman niyang kaibigan natin. Antayin na lang natin siya dito sa department store. Need kasi nating bumili ng extra kumot at comforter kasi di ba nga doon kayo mamaya matutulog. Kaya chill muna tayo ha"

Tumango si Addi. Abala si Tami kaka-scroll sa newsfeed ng facebook niya at inisa isang nireplyan ang nagsigreet sa kanya.

Sumagi na naman sa isip niya si Levi. Sana nga ay matapos na lahat ng mga importante niyang ginagawa para naman ay maisingit na niya ang sarili. Sobrang namimiss na niya ang asawa at gusto na niya itong makasama kahit isang buong araw man lang.

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon