Point of Views

210 10 0
                                    


"Levi, apat na araw ka ng hindi gaanong kumakain at hindi lumalabas dito sa kwarto mo. Wag mo naman akong pag-aalahin apo."

Kahit na napakasakit ng ulo at katawan niya, ay pinilit niyang umupo sa pagkakahiga at hinarap ang lola niya. His parents just used their wildcard, and sending his lola here in his room can really get him up from grounding himself after the day Addi signed the papers.

"Sorry, apo. Kung may magagawa lang sana ako."

"Shhh, not your fault. I did all of this, these are all valid and I deserved this" tumayo siya at nagsuot ng damit pang itaas. Parang mabibiyak ang ulo niya sa sakit. "Tara, I want some fresh air."

Kapwa sila nagsitungo sa balkonaheng malapit lang sa kwarto ni Levi ng sakto ring kakaakyat lang ng daddy ni Levi kasama ang mama nito at masama ang tingin sa kanya.

"Ano bang plano mo sa buhay, Levi. Dalawang araw ka ng hindi pumapasok. Di ba tapos na ang sembreak niyo?"

"Hayaan mo na muna ang anak nating makapag-isip ng maayos" awat ng mommy nito sa dad niya.

"Insanity! Ilang taon mong pinaghirapan ito at ngayon ka pa talaga nagloloko sa pag-aaral mo na graduating ka na dahil sa isang babae? Nababaliw ka na ba?! Paano na lang ang pagiging Suma Cum Laude mo?"

Umigting ang panga niya at ang sumunod na nangyari ay nasa palad na niya ang kwelyo ng damit ng ama.

"My wife is not just anybody, you moron. Kaya kung itaya lahat ng meron ako para sa kanya kahit pa ang buhay ko and don't you dare brought back how I worked hard dahil you weren't there to witness it. Wala ka dad! Wala kang ibang ginawa kundi ang utusan ako, e pressure ako, ninyo ni mama but the truth was, I wasn't even happy of what I am doing. Pagod na pagod na ako." mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak sa kwelyo ng daddy niya at dahan dahan ring binitawan yun.

"L-Levi" her mom murmured, also started to cry.

"My wife, siya lang ang nagbigay ng rason bakit mas gusto kong pag-igihan lahat ng mga ginagawa ko.*sniff* I want to impress her. I want her to be proud of me and most of all, I want her to experience a better life, she never had." huminga siya ng malalim. "But I abandoned her. Oh god what did I do"

He started to break down. Panay alsa ang mga balikat niya kakahikbi. Akmang lalapitan na siya ng mommy niya nang winakli niya ang kamay nito at mabilis na naglakad paalis at tumungo sa garahe kung saan nakaparada ang sasakyan.

Taltong oras ang lumipas ay inaya niya ang tatlo niyang nga kaibigan na mag-inom sa Neon Nights. Dalawang linggo din niyang pinigilan ang sariling uminom ng alak dahil nga naumay na siyang maglasing. Wala lang siyang ibang ginawa kundi ang titigan ang kisame ng kwarto dahil hindi rin naman siya makatulog.

"Did you signed it?" ngunot noong tanong ni Kry sa kanya hawak hawak ang basong may lamang whiskey.

"Hindi." deretso namang sagot ni Levi. "Hindi ko pipirmahan yun."

"That dude is a fucking big deal. Akalain mong ginawang 7 million ang 3 million? Kumita pa mga magulang mo. Bayad na bayad na utang nila Addi." di makapaniwalang wika ni Eren.

"Kaya ko namang bayaran yun." matalim na ani ni Levi sabay lagok sa alkohol na nasa baso. Kanina pa sila umiinom kaya ay medyo lasing na rin siya. "She's my responsibility. Kaya nga panay dalo ko sa mga business meetings ko abroad para bayaran yun. Naunahan lang talaga ako ng gagong yun" he hissed. "Nag-iipon ako para bumukod na sa mga magulang ko. I planned to buy properties from my own sweat at hindi na aasa sa 30% shares na binibigay nila every successful signed contract"

"What the fuck? 30 percent?! Ganun lang? Bro, that's not fair!" Kry Exclaimed. "You deserve better bro, that's exploitation! Kaya lamang na lamang sayo ang Warren na yun dahil nasa kanya na lahat ng pangangalaga ng negosyo nila." he added.

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon