Missed

247 10 0
                                    


Kinusot kusot ni Kry ang mga mata pababa sa hagdan galing sa guest room ng bahay ni Levi. Pagbaba niya ay nasa living room ang kaibigan at nakatutok sa laptop nito na may tatlong bote ng Rum sa mesa. Walang damit pang itaas na damit at mugtong mugto ang mga mata.

"What the fuck?! Inubos mo yan ng hindi nakatulog?"

Tinabihan lang nito ang kaibigan at na pinapanood ang CCTV footage ng buong bahay niya kung saan nahahagip si Addi sa camera. Nakaramdam tuloy siya ng awa sa bestfriend niya.

"Sorry bro. I feel really really bad for you. Matapos mong pagluksaan ang batang hindi mo naman anak, ngayon naman namimiss mo ang asawa mo. I can't imagine myself if I was in your situation."

Napatakip lang ito sa mukha at pinipigil lamang ang luha. Wala ng maisip si Kry kung ano pa bang maitutulong niya sa kaibigan. Ayaw na niya itong mag-inom at baka magkasakit pa ito. Minsan nga ay tuliro ito at malalim ang isip.

"Kailan kaya siya dadating? She said we will talk...pero wala parin siya. Hindi ko na alam kung hanggang kailan ko kayang maghintay" mahina niyang sabi. Bakas sa mukha nito ang pagod dahil nga ilang araw na itong may insomnia.

"Wag mo ma lang munang isipin kung kailan. Sinabi na niya di ba hindi niya alam kung kailan ka niya kayang harapin. Bigyan mo muna siya ng space, Levi. Nasaktan mo rin siya kaya hayaan mo muna siyang makapag-isip"

"Paano kung...sa tagal na hindi na niya ako makita ay mas lalo siyang lumayo sa'kin? Paano kung masanay na lang siyang wala ako?" he sniffed tapping his head using his balled fist. "Baka ano ng ginagawa ng lalakeng iyon sa asawa ko. He's been preying my wife for a while now, so I know how well-off he is feeling floating on cloud nine right now."

Kry sighed. Nage-guilty tuloy siya kung bakit hindi niya agad pinaalam nong nagkasama sila Addi at Warren non. Sana ay may ginawa na siya noon pa. Sa kanilang apat, si Levi lang ang walang ganoong karanasan sa pag-ibig. Hindi ito katulad sa kanilang tatlo na mga babaero kaya ay naiintindihan niya kung bakit napaka seloso nito. Cali was his first girlfriend but Addi is his only true love.

"Nasaan ka? Ilang ulit na kitang gustong iwan, pero lage mo akong pinipigilan. *sobs* I denied I was okay but the truth is, I am so tired but I can't be. You assured me, na wala akong dapat ikabahala. Well, what's the point of saying this? Kahit na madinig mo ito, you wont listen. Kinamumuhian mo na ako and I validate that. *sniff* I'll be with Warren and I am now transitioning the life I dreamed and visualize with you, now to him. So.....it's a goodbye now, Levi"

"Damn. She said that?" wika nito matapos madinig lahat ng sinabi ni Addi sa habang nakatayo ito. "Wait, where did she said that? Is she aware about the cameras?"

"She's in front of my door. Hindi ko alam kung bakit siya andiyan but yes, she said all of that. God, Kry. Hindi ako papayag na mapunta sa lalakeng yun lahat ng mga plano namin."

A doorbell both grabbed their attention at si Kry ang nagboluntaryong buksan ang pinto. Bumungad sa kanya ang mga magulang ni Levi kasama si Cali.

"M-magandang araw po, ninong and ninang."

"Is he here?" nag-aalalang tanong ng mama nito. Nagsipasok naman sila matapos tumango si Kry kaya ganoon na lang ang pagtatagis ng bagang ni Levi lalo na ng makita si Cali. Napakasama ng tingin nitong nakaupo sa pang isahang sofa.

"Anong ginagawa niyo dito? Lalo ka na, Caliber?" he said in a menace.

"We are just worried about you. Hindi ka man lang dumalo sa lamay ng anak mo." ani ng mommy nito na may pag-aalala ang boses.

"Llamente will be here tomorrow at hindi ka man lang sumasagot sa tawag ko, Levi. Pull yourself together."

"Shut the fuck up! Dad." paasik nitong sabi. Tumayo siya at binato ang nahawakang bote sa pader upang mabasag ito "I am so fucking-done-with-you. Ayoko na. Ayoko na" umiling iling siya. "Disown me, if you want. Wala akong pakealam. Kunan mo ako ng mana, gawin ko pero ayoko na."

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon