Fight

229 6 0
                                    

"Bwesit na traffic to." suntok ni Jean sa manobela ng sasakyan.

Nilingon niya si Addi na kanina pa malungkot na nakadungaw sa labas. Her phone is ringing at hindi man lang niya sinasagot ang tawag. Ang tawag ng gago niyang kaibigan. Ngunit kahit na si Levi ang pinakagagong tao sa buong mundo, kaibigan niya pa rin ito. Tiyak na nawawala na ang katinuan non ngayon na kasama nito ang asawa niya.

"You don't have plans of answering those calls?"

"Wala" walang emosyon nitong sagot. Ni hindi man lang siya nilingon nito.

"Tangina mo rin kasi, Ackerman" mahina niyang bulong. A buzz on his phone suddenly caught his attention. Hindi na nga nakapaghintay at siya na ang tinawagan. "Sup"

"Where the heck did you bring my wife ha?! Fuck you, Jean! Fuck you!!" bahagya nitong nilayo ang cellphone dahil kahit na hindi naka loud speaker ang cellphone ay sumasakit ang tenga niya sa lakas at lutong ng pagmumura ng kaibigan.

"Chill, Levi. We're just stuck in the traffic. Alam mo namang maulan at baha. Sana kang di tumirik si pluto" pluto ang pangalan ng dodge viper niyang sasakyan.

Nang madinig ni Addi ang pangalang Levi ay namilog ang mga mata nitong nilingon si Jean. Kinidhatan lang siya nito at pinapatahimik.

"I wanna talk to her."

"Talk to her?" lumingo lingo ang babae at binaling uli ang atensyon sa labas, arms crossed under her chest. "Well, she said no"

A brief silence took over the line and 6 seconds, he drop the call. Jean shaking his head nang ang cellphone naman ni Addi ang tumunog.

"Goodness, kaya ayokong magseryuso sa pag-ibig" pabuntong hininga niyang ani.

Addi has no plan of answering his calls. Una sa lahat, pinaasa siya nito na susunduin siya pero pinatayo lang siya ng dalawang oras, in short naghintay siya sa wala. Pangalawa, pumayag siyang ihatid siya ni Jean na dati naman ay ayaw niyang lumapit ito sa kanya. Pangatlo, ngayon pa siya tawag ng tawag na galit na siya.

"Pasensya na, baka lumala pa ang love quarrel niyo, naabutan tayo ng traffic"

"Okay lang, ayoko pa rin namang umuwi"

He gulped not just his saliva but his soul. The heck? Patay talaga ang Levi na yun at nakakita na siya ng makakasangga niya.

"He is calling again. Di mo ba talaga siya sasagutin?" Jean answered the call. Handa na sana siyang salubungin ang pagmunura nito pero maamong boses ang nadinig niya sa kabilang linya.

"Put the speaker on. Turn up the volume to the loudest." kalma lang nitong inutos sa kanya at sinunod naman niya.

"It's on" aniya.

"Addi, hey wife, talk to me" kahit siya ay natataranta na sa mga inaasta ng kaibigan niya. Nakakabahala. "Hey, Addi. Answer me please."

Ngumisi si Jean kay Addi na kakalingon lang sa kanya para udyukin itong kausapin na si Levi ngunit inirapan lang ng babae ang cellphone.

"Sorry na please." pagmamakaawa ni Levi sa kabilang linya. Ni isang beses, hindi ito nadinig ni Jean na lalabas sa bibig ng kaibigan. Sa kanilang tatlo, siya ang pinakamatigas ang puso at mas maraming babaeng pinaiyak. Kung may kailangan man itong bagay ay madali lang nitong nakukuha na hindi man lang pinagpapawisan. Iba talaga epekto ni Addi kay Levi. Th th.

"Pahupain na lang muna natin ang baha, kumain tayo sa Jollibee." halos lumugwa ang mga mata ni Jean sa nadinig.

"W-what?"

"Gutom ako. Gusto kong kumain. Iparada mo muna ang sasakyan diyan sa Jollibee at kumain tayo"

The tone of an ended call sorrounds the whole car. Parang pinagsisihan pa yata nitong ihatid si Addi. Nagmamagandang loob lang naman sana siya dahil ilang oras na itong nakatayo at wala nang ibang rason pa. Period. At dahil sa pagiging concern citizen niya sa asawa ng isa sa mga bestfriend niya ay matatapos pa ang labing apat na taong pagkakaibigan nila. Nangangamoy FO talaga.

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon