"Tangina, pagmamay-ari pala ng gagong yun ang Club na yun? Bwesit!!" nanggigil na sabi ni Jean habang nagmamaneho ng sasakyan.
Pagkatapos umalis ni Warren at Cley ay nagsialisan agad sila sa lugar. It was so embarassing not just for Levi but for everyone. Mabuti na lang talaga at hindi sila ganoon ka mga siraulo na mahilig sa gulo at baka pinagtulungan na nila si Cley at Warren.
"Bring me to her, please. I wanna see my wife" lasing na lasing na si Levi at kahit na nakapikit na ang mga mata nito ay panay pa rin ang tawag nito sa pangalan ng asawa.
Naaawa sila kay Levi pero hindi nila maikakailang hindi masisisi si Warren na sagupin si Addi. Pinagpapabahala na lamang nila sa diyos kung ano ang kahihinatnan ng sitwasyon ng kaibigan dahil mahirap na maging one sided sila.
"Nakakatrauma tuloy kayong mga gago kayo, jusko. Debale ng tumandang binata" Jean murmured again. Siya lang naman ang walang kasintahan sa kanilang apat.
"Saan natin dadalhin tong isa? Sa apartment niyang napakarumi at wala ng linis?" nag-aalalang tanong ni Kry.
"Hindi pwede sa amin, galit pa sa kanya si Mika."
"I don't want to babysit that shit kaya dalhin mo na sa apartment mo."
Walang kawala si Kry kundi ang sumang-ayon na lang.
"Send me home, dalhin niyo ako sa bahay" mahinang tugon ni Levi na kinabahala nila dahil nagsisimula na naman itong umiyak. "Jean, drive me home...now."
"Magpapakamatay ka na ba don?" nahinto sa pagddrive si Jean nang umayos sa pagkakaupo si Levi at pilit minulat ang mga mata.
"Just...send me home. I wanna smell her bedroom. I miss her, so much."
Nakangiting sinalubong ni Addi si Warren na may dalang isang supot ng lansones at kamyas.
Humagalpak na lamang sa pagtawa si Addi habang inaabot ang dala ni Warren sa kanya. Nakasuot kasi ito ng pormal na damit ngunit tila na stress itong naghanap ng mga iyon sa palengke.
"Why are you even laughing at me" pabirong ngumunot ang noo nito.
"Hahaha! Na stress ka ba? Sabi ko naman sayo eh okay lang kahit wala."
"Ayaw mo? Alam mo bang sumama pa ako sa tindera doon sa bahay nila para lang mamitas ng kamyas?" Warren frowned.
"Shunga, di ah. Thank you po dito" malambing niyang niyakap si Warren sabay sinayaw sayaw itong kayakap.
"Tapos ka na bang kumain? Natake mo na ang vitamins mo?"
"Yes sir! Ako pa, makakalimutan ko pa ba yun?" Addi yawned and drag Warren to get inside.
"You looks so sleepy. Sabi ko naman sayo na wag ka muna magtrabaho di ba lalo na at nasa first trimester ka."
"Okay lang ako. Ayoko ring iasa sayo lahat, syempre sagot ko sarili ko ano. Hindi naman kita kaano ano eh para umasa sayo lalong lalo na sa tuition ko. Online lang naman din ang trabaho ko kaya okay lang"
Tumungo sila sa kusina at agad hinugasan ni Addi ang mga kamyas na dala ni Warren. Nakaupo lang din ang binata sa stole chair na na nsa gilid ng kitchen counter. Huminga muna ito ng malalim bago magsalita.
"We had a short conversation earlier."
"Who?" nilapag nito ang mga prutas sa gitna ng counter at sinimulang lantakan ni Addi.
"Your husband"
"Ni Levi? Anong ginawa niya? Inaway ka ba niya?"
Ngumiti siya at umiling iling.
BINABASA MO ANG
The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18
RomancePlease read Book I first before you proceed reading the second part. Just a reminder that this story contains sexual scenarious that are meant for open minded people and not suitable for ages under 18. Be a responsible reader. READ AT YOUR OWN RISK...