After a two hours sleep, nagising si Addi na wala na sa tabi si Levi. Matapos niyang magbihis ay lumabas siya sa kwarto. Narinig niya ang boses nito sa labas ng bahay kaya agad siyang tumungo doon, at yun na nga. May kausap itong isang lalake na tila paalis na. Nakasuot ito ng polo shirt na kulay maroon, slacks at pormal na sapatos. Nang mapansin siya nitong lumabas sa pinto ay agad nabaling ang atensyon nito sa kanya at malapad siyang nginitian."Hi" bati nito nang lumapit siya sabay pinwesto nito ang isang braso sa bewang niya. "This is my wife. Addison." pagpapakilala niya dito.
"Nice meeting you, Mrs. Ackerman. Call me, Neil. I am glad you like this place to as your new home" ani nito habang nakikipagkamay sa kanya.
Nakangiti siya ngunit naguguluhan. Home? Anong ibig nitong sabihin? Did Levi purchased this property for them?
"Mauna na pala ako dahil susunduin ko pa ang mga anak ko sa school. Thank you for your time Mr. and Mrs. Ackerman."
Wala siyang imik hanggang sa makaalis ito. Levi kissed the side of her head.
"Did you just bought this house, Levi?"
"Yes. Di ba sabi mo kanina bago tayo matulog gusto mo dito? That this house is really nice?"
"Tapos binili mo? At sinabi mong para aa atin??"
Huminga ito ng malalim at ihinarap siya. "Hayaan mo na lang akong gawin ang makakapagpasaya sa akin. At least kahit mag-isa akong titira dito, alam kong pareho nating gusto ang bahay na to"
She felt impaled. Parang tinusok ng kung anong bagay ang puso niya. Bakit ba siya nasasaktan? Di ba ito naman ang gusto niyang mangyari? Ang matanggap rin nito na pagkatapos ng dalawang araw na pamamalagi niya ay hinding hindi na sila magkakasama at magkikita kailan man.
"Well then...thank you..but, I just felt like I don't deserve still being part of your future...parang nasasaktan kita." malungkot nitong sabi. Ito talaga ang kahinaan niya, ay hindi mapigilang unahin ang nararamdaman ng iba. Well, hindi naman kung sino lang ito, he is Levi, her ex-husband were she used to love with all of her heart.
Masyadong naguguluhan ang isip niya, na tila inuutusan siyang manatili na lang dito ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa anak niyang nasa sinapupunan pa niya. Alam niyang mas makabubuting walang sino man ang mangialam sa buhay ng bata galing sa angkan nila, kahit isakripisyo pa nito si Levi ay gagawin niya. Their family is so powerful at baka diktahan pa siya kung paano pa niya palikihin ang anak.
Nawala ang pagkatulala niya nang hinapit ni Levi ang bewang niya at dinala siya patungo ulit sa may sapa. May kahoy na mahabang upuuan doon at kapwa sila nagsiupo.
"I hurt your first. I hurt you when you came into my life and even until the end. So, if this is karma, I deserve this and I accept it."
"Hindi mo kailangang parusahan ang sarili mo. Pinapatawad na kita, Levi. Gusto kong maging masaya ka, at maging masaya rin ako."
He held her hands and deeply kissed it.
"Hindi ko alam kung mapapatawad ko pa ba ang sarili ko, Addi. Akala ko, ang makita kang kasama si Warren, ang halikan ka niya, o magiging asawa ka niya ang pinakamasakit sa lahat. But still, I made it, up until now. Kahit ilang ulit akong kinapos ng hininga" he scoffed. "For too much overthinking, jealousy was just soothen by alcohol." he looked at her smiling. "Pero ang hindi ka makita habang buhay, ewan ko na lang. Baka isa, dalawa o tatlong araw, I can still bear that, but after those days, I will be wondering kung kailan, kailan ulit kaya kita makikita? Makakaya ko kayang hanggang sa mga larawan ko na lang makikita ang napakaganda mong mukha?" mahina itong tumawa at hinaplos ang pisngi niya. Ni hindi halos makatingin si Addi sa kanya ng deretso. Gusto man niyang maintindihan siya nito kung ano ang totoong rason niya pero hindi maaaring malaman nito na buntis siya.
BINABASA MO ANG
The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18
Storie d'amorePlease read Book I first before you proceed reading the second part. Just a reminder that this story contains sexual scenarious that are meant for open minded people and not suitable for ages under 18. Be a responsible reader. READ AT YOUR OWN RISK...