Distant

207 9 3
                                    

A/N: Happy 10k Reads Book 1 🥺

*****

"I am sorry, mag-iingat na ako next time" nakayuko niyang sabi habang nakaharap kay Levi. She was so sure na hindi niya yun ginawa but to make things done ay humingi na lang siya ng tawad.

Ramdam niya ang pagbuntong hininga ni Levi.

"Magpahinga ka na. Let's just talk tomorrow okay? Medyo pagod na kasi ako. I badly want to take a shower now." he tapped her shoulder and kissed her forehead.

She headed to her room and run over some lessons nila kanina. She waited for an hour and a half now. Tapos na siguro yung mag shower at tiyak na hindi na rin ito matutulog katabi niya.

Nang magising siya kinabukasan ay hindi na nito naabutan ang asawa, and naroon sa baba ng living area ay si Cali. She smirked at her and with that, she was so certain that what happened last night was not an accident, she did it on purpose.

She will just let it slide. She's pregnant and she must be patient to her.

"Sayang hindi ka nakasama sa dinner namin kagabi."

Nagpatuloy lang siya sa paghanda ng agahan at hindi na lang ito pinansin.

"His lola was really happy to know na magkakaapo na siya sa tuhod. She even asked bakit daw hindi ka mabuntis.. Bakit nga ba, Addi? Baog ka ba?"

Nanginig ang mga daliri niya sa sinabing iyon ni Cali. Did her lola, even asked that?

Bumalik ang diwa niya ng maramdaman niya ang namimilipit na sakit dulot ng nakabaong kuko ni Cali sa braso niya.

"I am talking to you, bitch."

"A-aray, Cali" pilit niyang hinihila ang braso ngunit mas diniinan pa nito ang paghawak sa kanya nagkasugat sugat ang bahaging nilibingan ng mga kuko ng buntis. Ayaw niyang pwersahin ito dahil natatakot siyang masaktan siya kaya ay wala siyang magawa kundi ang hayaan itong tuluyan siyang bitawan.

"Enjoy your stay here hangga't kaya mo dahil malapit na kitang paalisin sa bahay na to. I will ruin you more than you ruin me and Levi" pagbabanta niya.

Halos maiyak siya habang binabasa ang mga sugat sa braso at nililinis ito ng sabon. Kaunti lang naman ang sugat na ito kung ikukumpara sa sakit kapag si Levi na mismo ang bibitaw sa kanya kaya ay hangga't kaya pa niya ay titiisin niya na lang muna ang pang-aalipusta ni Cali sa kanya.

Dahil maayos naman na sila ni Warren ay bumalik na ito sa dating tambayan nilang dalawa sa rooftop. Nakatitig lang ito sa kalangitan at malalim ang iniisip.

Warren could not be more worried to her. Ilang araw na siyang ganyan. Nag-aaya itong tumambay dito na may dalang sketchbook pero lage namang walang laman ang papel niya. When she noticed a clot of blood on her arm, mas lalo niyang nilapit ang mata dito upang masigurong tama ang hinala niya. Those were nail scars.

Dahan dahan niyang inusisa iyon upang hindi ito masaktan.

"Who did this?" dali dali itong tinakpan ni Addi at niligpit ang mga gamit.

"Wala, nakamot ko lang"

"You are lying. Those are not scratches, Addi."

"Don't mind it. Hindi naman ganoon kasakit."

"If that guy is laying a hand on you, I will kill him"

"It is not him, Warren. Please believe me" Deretso niyang sagot.

"Then who?" umiwas ito ng tingin sa binata.

"Nakatira na siya sa amin. We are not getting along together kaya, hayun"

The Unchosen Wife (Book II) Mature Content/Rated 18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon