Kabanata 2

179 3 0
                                    

Malapit ng magtanghali ay busy kaka tingin si Neriah sa salamin Kung saan ba pwede ang susuotin niya.

Papalit Palit ang tingin niya sa dalawang damit na  hawak niya.

" saan ba ang maganda, black dress or white dress?"

Medyo natagalan pa siya sa pagpili dahil pagnagkataon ba ka mapagkamalan siya apo ng kapit Bahay nila.

Sa huli ay Napili na lamang niya mag white dress. Gusto Sana niya Kanto vibes pero Yung Lola niya baka palayasin pa siya pag nag suot siya ng ganun.

Sinuklay niya ang buhok at tinirintas ito sa dalawa. Kinuha niya sa ilalim ng kama niya ang doll shoes at sinuot ito.

Naglagay na din siya ng pulbos at liptint Para hindi siya mag mukhang bangkay dun.

Napatingin siya ng biglaan ng may kumatok ng malakas sa pintuan.

" NERIAH SHILOH DELCOR. Diyan ka na lang ba!" Medyo may kalakasan na tawag sakanya ng Lola niya.

Huminga muna siya ng malalim bago pinagbuksan ang Lola niya na ngayon ay tinitignan siya ng kabuuan.

" YAN, Ganyan nga.. Hindi Yung reap jeans na  kinulang sa gupit. Tara na  at alalayan mo akong Pumunta dun"

Hinawakan ang pulsuhan sa kanang kamay niya upang  makabalanse ang Lola niya.

Marami silang nakakasalubong Kaya panay kaway niya rin dahil nakangiti ang Lola niya sa mga taong dumadaan.

Feeling niya palagi pag lumalabas sila ng Lola niya may Fans ito kahit na ka kilala lang naman.

Nakarating sila sa Bahay ng Pari. Maraming Tao silang nakakasalubong Kaya hinanap ng paningin niya ang birthday celebrant.

" Father!" tawag niya dito.

Napatingin siya sa paligid ng mapatingin ang  bisita sa kanila .

Nag peace sign siya at Pilit na ngumiti na parang walang nangyari. Lumapit siya sa Pari at binati ito.

" Hello.. Father. Happy birthday po.. Tumantanda na po tayo pero ang mukha niyo po ang Bata parin Tignan" pambobola niya dito.

Natawa ito sa litanya niya. Napahampas ng mahina si Lola fe sakanya na ikinatingin niya dito ng malayo.

Kahit mahina yun. Hindi nakaligtas sakanya ang pagkurot sa may bandang gilid niya.

Ngumiti siya ng Pilit sakanila ng parang walang problema " sige po.. Father. Kakain muna ako mukhang masarap po ang pagkakaluto"

Turo niya sa mahabang lamesa na akala mo may debut na magaganap sa sobrang dami na nakahain dito.

Iniwan niya muna ang Lola niya dahil panay usap pa nila ni Father. Minsan nga napapaisip si Neriah Kung hindi naging nobyo ni Lola fe si Lolo delfin malamang pwede ko siyang ireto Kay father.

Yun nga lang baka paghabagan ako ng sa iniisip ko. Kumuha ako ng pinggan at utensil. Halos maraming poging sakristan dito yun nga lang mukhang mag papari.

Natakam siya ng may makita siyang lumpiang Shanghai . Kaya nilagay niya ang sampung Shanghai sa pinggan niya.

Natigilan siya ng mahagip ng paningin niya ang kasunod niya sa likod na kukuha Sana ng lumpia yun nga ngalang wala ng Natira dahil kinuha na niya.

Matapos niyang makakuha ng pagkain ay naghanap siya ng mauupuan. Nilibot niya ang paningin niya halos walang bakante sa loob.

Lumabas siya para Tignan Kung may pwesto dun. Sakto may bakante sa terris. Tahimik siya umupo dito.

Nakatanaw siya sa labas. Kanina ay nagsimba sila dahil araw ng linggo ngayon. Ang abong ulap ay unti unting bumibigat sa dinadala nitong ulan.

Kaya Medyo napatigil siya sa pagkain ng bumagsak ang makapal na ulan sa bubong at kapaligiran . Ang mga tuyong dahon at puno ay nabibigyan ng tubig sa mga ugat nito.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon