Kabanata 10

96 1 0
                                    

" Neriah?"

Bigla siyang Natauhan ng magsalita sa harapan niya na kumakaway.

" huh?" lutang niyang sambit

Ang pagtawa nito ng mahina sabay tingin ng diretso sa mata ni Neriah.

" Mukhang ang lalim na ng iniisip mo. Ano okay ka lang?" tumayo ito at Napa tingala si Neriah dito.

Na pakurap ng Ilang beses si Neriah bago Natauhan sa sinabi nito.

" A-ah oo n-naman. Bakit hindi?" Napakamot ito ng ulo at umiwas ng tingin sa kausap nito.

" tayo ka na diyan. May pupuntahan tayo. Medyo malayo ang lalakarin natin dito Kaya Magdala tayo ng payong." sambit nito at kinuha ang payong malapit sa veranda nito.

Napadampi ng kamay si Neriah sa nuo nito. Nilagyan ito ng bandage Kaya napatingin siya Kay Finn nahihiya.

Lumabas sila ng Bahay at tirik pa ang araw Kaya tumabi si Neriah Kay  Finn dahil sa nakabuklat nitong asul na payong.

" Saan ba kasi tayo pupunta?" nababagot na tanong ni Neriah na kanina pa sila palakad lakad na hindi alam Kung kanino sila pupunta.

" Nandito na tayo" sambit nito na ipanagtaka ng tingin ni Neriah sakanya.

May nilapitan ito at dun niya napagtanto na ang kaharap nila ay isang Bangko.

" wait? Wala naman tayong Pera, bakit tayo nandito?"  nagtatakang sambit nito Kay Finn na nginisihan lang siya.

" magnanakaw tayo" sambit nito na ikinanlaki ng mata ni Neriah.

" ANO! MAGNANAKAW! HOY---"

Tinakpan ni Finn ang bibig ni Neriah at pinanlakihan ito ng mata. May sinasabi si Neriah ngunit hindi ito maintindihan ni Finn dahil Alam niya mag he hysterical ito.

" Joke lang! Ito naman masyadong seryoso. Halika at mag WI withdraw tayo ng Pera. " masungit na Saad nito.

Hinawakan niya ang isang kamay ni Neriah na hindi iniinda ang panay pagbibitiw dito.

Bumati ito sa guard ngunit nginitian lang sila. Tahimik lamang sa loob. Naghihintay si Neriah sa kasama niya na kinakausap ang isang staff sa loob.

Pinikit na lamang niya ang dalawa niyang mata at pinakiramdaman ang paligid. Gusto na niyang umuwi ngunit ayaw niyang umuwi na sugatan.

Kahit nababagot sa loob ay Pinilit niyang manatili. May kumalabit sakanya. Napamulat ang dalawang mata niya.

Ang labas ngipin nitong ngiti ay namumutawi sa Ganda at matang umaayon sa gwapo nitong mukha .

" Bakit?" nagtatakang tanong ni Neriah habang nakatingalang nakatingin Kay Finn.

May pinakita ito blue bills sa kamay Niya at pinaypay na para bang Pina iingit siya.

" Tara na.. Pagamot natin yang sugat mo" Saad nito na hinihintay si Neriah tumayo.

" Saan naman yan?" nababagot niyang tanong dito.

" Saan ba dapat ipagamot yang sugat mo? Alangan naman sa sakin. Syempre sa doctor. Tignan mo ang pangit Tignan ng sugat mo na kahit Naka bandage nagmumukhang malala na" hinawakan nito ang kamay ni Neriah at hindi na nakapalag ito dahil sa mabilis na paghila ng hindi inaasahan.

Pumara ito ng tricycle Kung saan pinauna itong pinaupo si Neriah kaysa Kay Finn.

" saan po tayo?." tanong ng driver.

" Sa hospital po manong"  agarang sagot ni Finn at sumulyap Kay Neriah na nakapikit ang mata.

" nahihilo ka ba?" marahang tanong ni Finn dito na sakto lang Para  marinig ni Neriah.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon