Lumapit siya dito na may ngiti sa labi " hulaan niyo la" nakapamulsa niyang Sabi na natutuwa sa reaction ng Lola niya.
" Kamukha mo ang apo ko"
" talaga po? Anong pangngalan niya? " nilapit niya ang mukha dito at dun na nga nanlaki ang mata ng Lola niya.
Hinampas siya mahina sa braso " i-ikaw na Bata ka. Kailan ka lang dumating?" mahahalata mo sa boses nito na pinipigilan wag maiyak.
" ngayon lang po, kamusta po ang pakiramdam? " hinimas himas niya ang buhok nito na pinapaala na nandito lang siya.
" apo.. Mukhang okay na ako andito ka na. Maaalagaan mo na ako " ang magaan na pagkakasabi nito ay ikinangiti niya.
Niyakap niya ng mahigpit any Lola upang iparamdam na miss niya ito " la, akala ko ba ayaw niyo ng ospital?" natatawa sa ng palihim ng marinig niya ang pagtapik nito sa balikat niya.
" wag mo na ipaalala apo, aalis din tayo bukas dito.. Nga Pala ang kapatid mo na saan?"
Napalayo siya ng yakap " yan nga po Sana ang gusto Kong malaman dahil Nauna po silang Pumunta dito"
" Hindi kayo magkasama na Pumunta dito, mabuti pa tawagan mo Para makausap ko kayong dalawa ng parehas" utos nito sakin.
" la, wala naman po akong cellphone, paano ko pa siya matatawagan?"
Nahalata naman kaagad ng Lola niya ang Ibig nitong sabihin.
" kunin mo ang bag ko diyan" tinuro nito malapit sa drawer.
Sinunod naman niya kaagad at Tama mga ito nandoon ang bag ng Lola niya. Tinignan niya sa loob Kung nandito nga ang cellphone.
Tama nga ito nandito. Tinawagan naman niya kaagad pero Ilang ring ay hindi parin ito sumasagot.
" Hindi po la sumasagot," Ilang beses niyang dinial ngunit panay ring lang.
" Ano ba yang kapatid mo. Mabuti pa puntahan mo sa Bahay at papuntahin mo dito, sabihin mo importante. Kung ayaw niya sabihin mo pwede na siyang lumayas. Kunin mo diyan ang pamasahe sa wallet ko " ang Lola niya ay Tila napapagod na sa ate niyang spoiled.
Napabuntong hininga siya" sige po. Masusunod " humalik muna siya sa pisngi nito bago umalis.
Marami siyang nadadaanan na nurse at doctor na nilalampasan niya. Nang Makalabas siya ay hindi niya sinasadyang may nakabangga siya.
" sorry po" sabay yuko niya na tinignan ang Kung sino ito.
Hindi niya mamukhaan ito pero familiar sakanya ang presents presensya nito. Naka mask ito at takip ang mukha.
Hindi ba siya naiinitan?
Yumuko na lamang siya bilang pag alis dito bago pumara ng tricycle.
" San Lucas po" sambit niya sa driver na agad naman hinatid siya.
Nang makarating siya sa tapat ng simbahan ay pumara na siya. Naglalakad siya Kung saan ang ate niya wala ito sa simbahan Kaya tinignan niya sa Bahay.
Tapat tanghali na Kaya nakaka ramdam na siya ng gutom. Nagtatataka siya Kung bakit bukas ang pinto.
" Nandito na siguro yun" tumuloy siya sa loob ngunit napatigil siya ng may narinig na kaluskos. Tahimik siyang Naglalakad sa loob ngunit walang sumalubong sakanya na mukha ng ate niya.
May isang pares ng tsinelas na hindi siya nagkakamali ay yun ang suot ng ate niya kanina.
May narinig siyang ungol. Napatakip siya ng bibig ng masilip niya ang nangyayari sa loob.
BINABASA MO ANG
Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED)
General FictionAng ate niya at ang boyfriend nito ay magka hawak kamay na tumalon malapit sa direction niya. Medyo lumayo siya dahil sa impact nito. Ang buhok niya ay dinadala ng tubig Kung saan lumulutang ito sa pag fofloating niya. Hindi sila masyado lumalapi...