" Manyak ka" mahina niyang reklamo dito na hindi Maka get over sa first kiss niya.
Narinig ang pagtawa nito ng mahina " baka ikaw" tinignan siya nito nang aasar na tingin.
" tabi nga diyan" hinawi niya ito dahil nakaharang ito sa dinadaanan niya. Hindi na niya nakita ang ate na mukhang Nauna na sakanya.
" wag mong hanapin, nandito naman ako"
Napalingon siya sa sinabi nito " Anong Sabi mo?" kahit ayaw niyang mainis ay naiinis siya pagmumukha nito.
" nandito naman ako Para tulungan diyan sa gamit mo. Remember I'm your friend and you're my friend and we are friendster." he said like a cool guy.
Sarap magmura. Pero naalala ko hindi Pala ako ganun.
"friendster ka diyan. Magnanakaw ka ng halik" nakanguso niyang sambit dito na kinakarga ang gamit niya.
" that's stealing? I didn't steal anything unless it's your first kiss" he said na Ikinamura niya sa isipan.
" what? Eh Kung sabihin ko sayo na first ko yun, pananagutan mo ako? Ha" paghahamon niya dito na may halong biro.
Nag tiim bagang ito at nginisihan siya ng matamis " that's quite off limits" he said na kinuha sa kamay ko ang gamit ko.
Napakamot siya ng buhok habang nakatingin sa papalayong Finn. Kahit ang likod nito ay ma papa isip ka na mabango ito.
Tumakbo siya sa kinaroroonan nito na nakasunod sa likod niya.
" number of your room" baling tingin nito sakin
" Room 12" sabay pakita niya sa susi.
Sabi ng Lola niya ay dapat I guide siya ng ate niya pero ngayon si Finn ang kasama niya.
Nang makarating sila sa tapat ng pinto ay nag swipe siya ng card upang bumukas ang pinto ng automatic.
" diyan na lang, ako na ang mag aayos ng gamit ko. Salamat" kahit na may inis siya dito ay hindi naman siya pinalaking walang galang.
Nilibot nito ang tingin sa loob ng apartment. Tinignan niya ang C.R halos okay naman wala siyang problema.
Bumalik siya sa sala Kung saan hindi pa Pala Naka alis any kasama niya.
" Pwede ka ng umalis. Mukhang may importante Kang lakad" magalang niyang Sabi nito na ayaw niya naman Maka abala dito.
Nasaan na ba kasi ang kapatid niyang puros Salita lang ang Alam?
" wait, saan University ka mag aaral?" tanong nito na hindi niya pa Pala napag isipan yun.
" hindi ko pa Alam, sa school siguro ni ate"
" Sa Mapua?" tanong nito na ikinatango niya ng marahan.
" Anong kukuhanin mong kurso? Wag mong sabihin astronaut?" hula nito na ikinailing niya.
" malalaman mo lang din naman Kaya next time na lang"
Ngumiti ito sakanya na nagpaalam na mauna na ito dahil may tumatawag sa phone.
Tumango lamang siya bilang tugon. Hindi siya sanay sa syudad. Lalo na ngayon rush hour ang pag enroll niya.
Nilagay na niya sa aparador ang gamit niya. Halos Ilang oras ang ginugol niya bago natapos.
Nakaramdam siya ng gutom ng marinig ang pagkalam ng sikmura niya.
Bago niya naisipan lumabas ay nag half bath muna siya. Nagsuot lamang siya ng hoodie at sweat pants.
Kinuha niya ang wallet at nilagay sa bulsa niya sa Jacket. Tinignan niya ang oras sa cellphone. Past eleven pm na at ngayon lang siya Nakaramdam ng gutom.
BINABASA MO ANG
Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED)
General FictionAng ate niya at ang boyfriend nito ay magka hawak kamay na tumalon malapit sa direction niya. Medyo lumayo siya dahil sa impact nito. Ang buhok niya ay dinadala ng tubig Kung saan lumulutang ito sa pag fofloating niya. Hindi sila masyado lumalapi...