Kabanata 5

119 2 0
                                    

Nagkatinginan sila ng Ilang Segundo na binabasa ang bawat galaw nito. Napalibot ang tingin ni Neriah sa tanong ng ate niya.

Alam ng ate niya pag Tahimik siya ay may Mali sa boyfriend nito kinuha niya ang plastic bag na may lamang pagkain.

Napatingin muna siya sa unahan bago itabi ang pagkain. Binigay niya ang isang isaw sa ate niya.

Napahinto siya ng Ilang Segundo ng mahagip ng paningin niya ang tingin ng boyfriend nang ate niya.

Kaya bilang okay sila ng ate niya, ay nilahad niya ang isaw dito.

Ang Isang kamay nito ay Naka hawak sa manibela at ang isang kamay nito kinuha sa kamay Niya ang isaw.

" thanks.. Little girl" he said smiling to Neriah.

Parang nabato siya sa kinatatayuan nang magsalita ito sa malalim na boses.

" By the way.. Neriah... Sayo na toh"

May nilahad ang ate niya na napakunot  ang tingin niya. Tinignan niya ito ng mabuti.

Napag tanto niya na music album ito ng isang sikat na grupo yun nga lang hindi siya interesado sa mga ganitong genre.

Nahihiya man siya sa ate niya " salamat dito ate" ngiti niyang pakita sa Binigay nito.

Kahit na minsan ang ugali niya ay Naka depende sa kausap niya pero ang ate niya ay hinahabaan niya ang pasensya dahil pinapahalagahan nito ang pagiging magkapatid nilang dalawa.

Nang makarating sila sa bahay ng Pari ay sinundo narin nila si Lola fe. Naghanap sila ng parkingan ng sasakyan bago Bumaba.

Naglalakad sila Kung saan dinadaanan nila ang tulay. Nilalandas ni Neriah ang kanyang daliri sa railings na gawa sa kahoy.

Sumusunod din sakanya ang kapatid . Iniisip nga niya ba ka duon matutulog sa kwarto niya itong boyfriend ng ate  niya dahil Tatlo lang naman ang kwarto sa loob ng Bahay.

Isa  sakin, Isa din Kay ate at Kay Lola. Pero dahil walang kasama si Lola ay palagi siyang tumatabi dito.

Nang makarating sila ng Bahay ay pinailaw na niya ito. May dala siyang pagkain na take out niya kanina habang kumukuha ng pagkain.

Yun nga at tuwang tuwa ang Lola fe niyo dahil may ulam na ngayon gabi. Binaba niya muna ang dala niya at umakyat sa itaas upang magpalit ng damit.

Pag na sa Bahay lang siya ay palagi siyang Naka loose shirt at pajama Kaya minsan napapagkamalan din siyang tomboy dahil sa galawan niyang hambog ng sagpo crew.

Ang nakatirintas niyang buhok ay inalis niya at sinuklay ito. Medyo kulot pa Kaya hinayaan niya lang.

Tinignan niya ang sarili salamin. Naalala niya ang nangyari kanina. Napasukat siya bigla ng height niya. At napatingin sa mukha.

Para nga siyang Bata pero astig sa paningin niya kahit na nakakabwisit ang pang aasar nito sakanya.

Bumukas ang pinto. Napalingon ang ulo niya sa direction nito. Nakita niya ang ate niya at kumaway pa sakanya.

Ngumiti lang siya ng konti dito na hindi alam Kung bakit naparito ito sa silid niya.

" sister.."

Dun pa Lang parang Alam na niya ang kailangan nito

" hanggang kailan?" Sa likod nito ay kita niya ang nakatingin na boyfriend ng ate niya sa loob ng kwarto.

" ngayong bakasyon lang" ang mata nito ay nagmamakaawa sakanya.

Napatingin siya ulit sa boyfriend nitong umiinit lang ang ulo niya.

" nakapag paalam ka ba Kay Lola?"  tanong niya sa kapatid naninigurado sa ginagawa ng kapatid niya.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon