Kabanata 27

75 2 0
                                    

" MA.. Andito na po kami!" walang Tao sa sala sigurado ay nasa kusina sila.

Hinubad ko ang sapatos ganun din sa kasamahan ko. Pumasok kami sa loob at dumaretso kami ng kusina Kung saan nadatnan Kong nag aahin na ng pagkain sina mama at papa at si Lola na ngayon ay nakatingin samin.

" Neriah, apo ko.." ang tuwa sa pagkakasabi nito ay hindi pinagkaila na panahon lang talaga ang makapagsasabi na pamilya mo pa rin sila.

Nag Mano ako dito at niyakap " Kamusta ka na po la? " Ilang taon din ang lumipas simula ng Umalis ako dito pero ang tuwa sa mata nito ay parang palagi ako nandito.

" Mabuti naman, ikaw ang kamusta.. Halos wala na kaming balita sayo. Yung mama mo nag aalala Kung saan kayo nakatira ganun din ang papa mo" tinignan ko si mama at papa na ngayon ay nakatingin na Pala samin.

Lumapit ako dito Para salubungin sila ng yakap " I miss you ma" lumapit ako Kay papa na siya any pinakamalapit sakin " na miss rin kita pa" isang mahigpit na yakap ang ibinigay bawat Isa sa kanila.

"  Mabuti naman nandito ka na. Sino kasama mo?"  tanong ni papa ikinalingon ko sa kasamahan ko na kakapasok lang sa kusina.

" Hello everyone! "  matinis na bati ni Savvy sa aming lahat na kumakaway kaway pa.

" Neriah, siya na ba yung apo ko?" turo ni Lola fe Kay savvy.

Marahan akong Napatango.

" savvy greet your Lola fe"  utos ko dito na Pumunta agad sa Lola niya.

" Good afternoon po. Bless po" nagmano ito at nag kiss sa cheeks.

" Aba matunog mag kiss sa cheeks. Isa pa" halata sa boses ni Lola na tuwang tuwa sa ginagawa ng anak ko.

" Lola why your face is saggy na po? You lack of sleep po?" she ask innocently na ikinatingin namin ni Finn.

" Savvy. Your Lola is old na that's why her skin is getting saggy" Alam ko na madali lang makaintindi si savvy Kaya nginitian ako nito.

" what's your name little girl?" tanong ni Lola na ikinangiti ng anak ko.

" My name is Savvy Asami O'Donnell mag ti three years old na po this December. How about you po how old are you na?" she like hugging people Kaya yakap yakap niya ang Lola niya.

"  Wow ang nice naman ng name mo. Sino ang kasama mo?" tanong ni Lola na common na tinatanong Kung kilala ba nito ang kasama.

" syempre po si mommy at Daddy. Daddy introduce yourself po! " she said giggling smiling with her eyes.

Napatingin kami Kay Finn na napatayo ng tuwid" uhmm Good afternoon po la. Tita and Tito. Ako po Pala si Finn O'Donnell. uhmm.. " napahawak ito sa buhok na  parang nahihiya.

" Neriah, siya yung ama ng Bata? Tama ba ako? " tanong ni mama na tinitignan ulo hanggang paa si Finn.

" Opo, siya po " kahit ako nahihiya dahil ang tingin ni mama dito ay kinikilatis na para bang ako lang noong Bata.

" Ilang taon ka na pogi?" tanong ni mama na ikina ko awang ng bibig .

" twenty four po Tita" he said politely showing his perfect set of teeth.

" Ang Bata mo pa Pala. Upo ka muna. Anong trabaho mo?" kumpleto na ang nakahain Kaya nagsi Upo na kami sa kanya kanya naming pwesto dibale magkatabi kami ni Finn at ni savvy habang sina Lola, mama at papa ay kaharap namin.

" I don't want to brag it po but I'm Data scientist and also part of Band Pretty Baby that you always heard on the news" Kumuha ito ng kanin at nilagyan kami ng kanin sa pinggan.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon