Kabanata 14

68 0 0
                                    

" mahirap yang tanong mo. Iba na lang"  bored niyang sagot dito dahil sa totoo lang ay walang puma pasok sa isip niya na iba.

" ganun ba? Mahirap ba yun? Sige ito na lang. Sino ang crush mo?"

_crush ko?_

Parang napantig ang tenga niya at lumingon sa direksyon niya na ngayon ay nakangisi na naghihintay sa sagot niya.

" Wala akong crush" diretso niyang Sabi na Hindi tumitingin Kay Finn

" weh? Totoo? Wala? Imposible na wala. Sige nga tumingin ka sakin, utos nito na kinabahan siya ng todo sa sinabi nito.

Dahil ayaw niyang mahuli ay kusa siyang lumingon sa direksyon nito na hindi nagpapakita ng expression.

" okay na? Wala akong crush, alangan naman na ikaw Diba? Nakakasawa Kaya Muka mo"

Umismid ito " dapat lang, tropa Kaya tayo. Walang crush crush dito" tumabi ito sa kanya na hindi niya inaasahan na aakbayan siya nito.

" Yung kamay mo.." suway niya dito na Mas lalong dinikit pa siya sa braso nito.

" Wala yan.. Mag kaibigan Kaya tayo... Wait ngayon lang kita natignan ng matagalan ang haba pala ng pilik mata mo"

Napalayo siya ng katawan dito " Ayan ka naman binobola mo naman ako. Tama nga yan. Magtatanghali na" nilagay niya ang  I isang shell pagkatapos ay tumayo at pinagpagan ang sarili.

" hindi ako nagsisinungaling, kahit Tignan mo sa salamin ang Ganda ng pilik mata mo" Turan nito sakanya na sa Kay rami ng Tao ay ito pa mismo ang unang nakapansin sa pilik mata niyang mahaba.

Nag fake roll out eyes na lang siya sabay talikod upang itago ang pamumula ng pisngi niya.

Ramdam niya ang pagsunod ni Finn sa likod niya kahit hindi niya ito lingunin ay Alam niya nakasunod ito sa likod niya.

Umakyat siya papuntang silid upang magbanlaw at magbihis.

Lumingon siya sa likod niya ang likod nito ay papalayo sa sakanya. Umiwas siya ng tingin at pinag tuunan ng pansin ang pag pasok sa silid.

Matapos niyang maligo ay nagbihis siya ng damit na komportable niyang suotin as always lousy outfit.

Sinuklay niya ang kanyang buhok na basa. Kumakalam na ang sikmura niya napatingin siya sa wall clock.

Malapit na mag eleven. Lumabas siya ng silid at dumaretso ng kusina. Binuksan niya ang fridge. Tumamlay ang dalawang balikat niya ng walang makitang pwedeng kainin o lutuin man lang.

Sinirado niya ito " ay butiki!" napahawak siya sa bandang puso ng makita niyang nakatayo itong nakataas ang dalawang kilay na may pagtataka sa mukha.

" butiki pa la ako ha.." pang uulit nito sa sinabi niya.

Hindi niya ito pinansin at tinuro na lamang ang fridge. Tinignan  naman ni Finn ito habang siya ay hinihintay na magsalita ito.

" gusto mo sumama sa super market?" tanong nito sakanya na ikinatango niya agad.

Hindi sila gumamit ng sasakyan ng tricycle lang sila. Tahimik lang ang biyahe Kaya wala rin silang imikan.

Nang makarating sila sa palengke ay Marami pang nagtitinda Kaya naglakad sila palapit Kung saan sa tingin nila ay swak sa panlasa nila.

Matapos silang mamalengke ay hindi niya naiwasan matakam sa  bibingka at iba pang paninda.

Yun nga lang parang walang pake itong kasama ko na diretso lang ang lakad. Nakasimangot siyang sumusunod dito dala ang iba nilang pinamili.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon