Kabanata 4

125 2 0
                                    

" ano ka ba.. Syempre Para makilala mo rin ang boyfriend ko. Alam ko naman magaling ka kumilatis Kung Para sakin at hindi" nahihiyang sambit nito na may kahinaan sa pag Sabi Kay Neriah.

Tinignan niya ng matagal ang ate niya at walang nagawa kundi tumango dito. Napakamot siya ng ulo nang nakasakay na sila ng sasakyan. Nasa back seat siya ang dalawa ay nasa harapan.

Napatingin siya sa labas. Ang patak ng ulan na dumadaloy sa bintana ng sasakyan ay nagsilbing hindi niya makita ang sa labas.

" kailan naging kayo?" basag niya sa katahimikan na nabababalot sa loob ng sasakyan.

Ang ngiti sa labi ng ate niya ay sumilay. Hinawakan nito ang kamay ng nobyo bago sinagot ang tanong niya.

" Well.. Matagal na. Umpisa ng mag aral ako sa manila ay nakilala ko Si Finn. Wag Kang mag aalala mabait toh. Diba Finn?" tanong nito sa nobyo na Nagtagpo ang tingin nila sa rear view mirror.

He smiled.

" Kaya babe.. Maging mabait ka sakanya, bunso namin yan Kaya ituring mo na rin na kaibigan "

Ayaw niyang makinig sa mga litanya nito Kaya tinuon niya ang pansin niya sa labas.

Ayaw niya makausap ang ate niya. Malaki kasi ang pinagbago nito mula ng lumuwas ng manila.

Ang pag uugali nito ang pananamit. Kahit ang Lola niya may favoritism Kaya minsan naloloka siya pag napapagalitan .

Ang ate niya pwede pero siya hindi? Kaya minsan napapaisip si Neriah na maging Madre dahil sa kaukulan na sumasama ang loob niya sa mga ito.

Nakarating sila sa seven eleven. Tumila na ang ulan Kaya Pasalamat si Neriah na hindi na siya mababasa.

Una na siyang lumabas dahil Kaya naman niya na pagbuksan ang sarili hindi tulad sa ate niya nagpapabukas pa ng pinto.

Habang tinitignan niya ito ay parang napagod na lamang siya kaka tingin sa dalawa.

Hindi niya napansin ay Nauna na pumasok ang dalawa Nakasunod lamang si Neriah sa kanila.

Kumaway siya sa guard dahil palagi din siyang nandito kapag bumibili siya ice cream.

" pumili ka na Neriah.. May kakausapin lang ako. Tawagan mo lang ako Kung tapos ka na. Babe, paki assist nga ang kapatid ko. Minsan lang kasi yan lumabas ng Bahay"

Napatingin si Neriah sa boyfriend nitong nakapamulsa at sumulyap sa gawi nito. Tumaas ang dalawang kilay ni Neriah.

Ang mata nila ay nagbabaga sa Inis. Umirap siya.

Hindi ito napansin ng kapatid niya Kaya Malaya siyang Naunang pumili ng gusto niya.

Kumuha niya ang maliit na basket Para may paglagyan si Neriah ng groceries niya. Yes groceries dahil kinukulang siya pag Isa lang ang pinipili niya gusto niya Marami Para Pati Lola niya ay mabigyan niya.

Tahimik lamang siyang pumipili. Nahagip ng paningin niya sa isang salamin ang pag sunod nito sakanya ng Kung ano lang inutos ng ate niya yun lang susundin niya.

" Alam mo ba ang favorite food the ate ko? Tanong ni Neriah Kay Finn.

Ang walang expression nitong mukha ay ngumisi si Finn na mukhang alam nito ang sagot.

" adobo " he said confidently.

Nanliit ang mata ni Neriah sa sinabi nito at ngumisi" isang taon na kayo.. Hindi mo parin alam ang favorite dish ng ate ko. It's sinigang not adobo. "

____________

Ang Nanliit na mata nito ay akala mo matangkad pa ito sakanya. Sakin pa talaga pinabantay ni Angela ang kapatid niya na mukhang nanghahamon ng away sa tingin nito.

Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon