" Daddy!" sigaw ng anak ng makita ang ama nito na parang wala lang nangyari kagabi.
Nakasunod ang tingin ko sa galaw nitong umupo sa tabi ko dahil sa isang row ay Tatlo ang pwedeng makaupo.
" ginagawa mo dito?" napausog ako sa anak ko ng magdikit ang balat namin sa braso.
" babantayan, aalagaan, poprotektahan at mamahalin ka kahit denial ka pa. Diba Nak?" ngisi nitong sambit sa anak ko na nahihiyang tumantango.
" Sigurado po ba na ikaw ang daddy ko? Ang gwapo niyo naman po masyado Para maging daddy ko." nakapalupot ang dalawang kamay nito sa braso ko na sinisigurado Kung ito ba ang ama niya.
Napatakip ng bibig ang kumag " Riah, anak ko nga toh. Savvy I'm your dad your biological dad. Do doubt you are my little girl version. Halika may ibibigay ako sayo " yung hindi niya nakikitang side ng kumag lumalabas pag kasama ang anak.
" how about mommy, daddy? Dapat meron din si mommy " she said pouting na kahit sino hindi matatangihan.
" ano ba ang gusto ng mommy mo? " he ask gently na kahit hindi ako nakatingin ay ramdam ko ang tingin nitong Pati kaluluha mo sinasaulo.
" Kiss sa cheeks daddy, mukhang mad po kasi si mommy sainyo " tinignan ko ang anak ko sa sinabi niya na pinanlakihan siya ng tingin.
Rinig ko ang pag ubo ng mahina nang kumag na ikinairap ko. " kumain ka na lang diyan savvy"
" OK po. Nga po Pala daddy. Bakit ang tagal niyo po umuwi? Ganun mo ba kayo ka busy sa work mo?" tanong nito habang nginunguya ang chocolate na binigay ng ama nito .
" ngayon lang nag ka time si daddy" sagot nito na pinatong ang kamay sa buhok ng anak niya hinihimas ito na parang alagang aso.
" Bati na po tayo daddy. How about you mommy, love mo ba si daddy?"
Ayaw Kong lingunin ang tanong ng anak at baka mabanas ako sa pagmumukha ng kumag na nasa tabi ko.
Napahikab ako na piniling wag sagutin ang tanong ng anak ko.
Dahil mahaba haba ang biyahe kinuha ko ang scarf sa bag at kinumot. Hinahayaan ko Lang ang mag ama na mag bonding dahil Ilang taon rin hinahanap ni savvy ang ama nito sakin.
Umidlip muna ako para mabawi ang antok ko kanina.
Naalimpungatan ako ng may parang dumadampi na daliri sa buhok ko. Natigilan ako ng mapagtanto Kung ano ang ginagawa niya.
" kamay mo" tinitignan ko pa Lang kamay Niya pero nakalimutan ko pinanganak Pala na matigas ang ulo.
" Ang Ganda mo" bulong nito na Medyo may kalapitan sa tenga ko.
Sinamaan ko siya ng tingin na pinipigilan wag mag paapekto dito.
" Ang panget mo" inis Kong usal dito na strategy niya naman toh Para masaktan ako.
" mabuti na yun Para sayong sayo lang ako" ngiting sambit nito na Para bang hindi nauubusan nang motivation.
" Talaga lang ha. Ganyan ka ba sa iba? Hindi bagay sayo" nilihis ko ang tingin ko sa labas ng bintana Kung saan nadadaanan namin ang Ibang kabahayan.
" wag ka nang magalit sayo lang naman ako ganito, Tignan mo ngumunguso ka naman diyan. Gusto mo Yata ng kiss ko" naramdaman ko ang pagsundot ng daliri nito sa bewang ko na ikinagulat ko. Natampal ko siya ng malakas sa mukha ng hindi ko sinasadya.
" love, that is kinda hurt but I think physical attack is your love language" he said na ikinasama ko na tingin sakanya.
" Love ka diyan. Manahimik ka. Ang dami mong sinasabi. Gusto mo Dagdagan ko yan eh sa kabila Para pantay ang pagkapula" hindi parin talaga siya nagbago ganun at ganun parin.
BINABASA MO ANG
Pretty Baby Series#4 : HEARTBEAT SYNC (COMPLETED)
General FictionAng ate niya at ang boyfriend nito ay magka hawak kamay na tumalon malapit sa direction niya. Medyo lumayo siya dahil sa impact nito. Ang buhok niya ay dinadala ng tubig Kung saan lumulutang ito sa pag fofloating niya. Hindi sila masyado lumalapi...