Isa akong transferee.Akala ko sa mga movies and stories lang nangyayari 'yung sobrang pambubully sa isang tao, mali pala ako. It really do happen in reality and it happened a lot to me.
I've met Class Z, ito 'yung klase na kinabibilangan ko──mali, hindi nga pala ako belong. May iba't ibang circle sila pero sa huli makikita pa rin 'yung pagkakaisa nila.
Mula nang dumating ako sa Noblesse High, minalas na ako. Dito nakakalimutan ko na babae nga pala ako. Kasi dito sa school na 'to naranasan ko masaktan ng sobra sobra. I've received so much pain na naisipan ko nalang tumigil sa pag-aaral. Alam niyo 'yung pakiramdam na suko ka na?
Kahit anong gawin mo parang walang mangyayari kasi hindi naman natin kayang alisin 'yung galit nila satin, mas lalong hindi natin kayang baguhin yung opinyon nila. Yung sakit sa katawan nung time na 'yon kinakaya ko pero 'yung bigat sa pakiramdam, 'yung sakit ng damdamin..hindi.
Kaya naisipan ko na tumigil.
Pero hindi ko rin naman napanindigan. Tinamaan ako sa sinabi ni Lolo M, narealized ko na ang arte ko. Nalinawan ako kaya pinagpatuloy ko, sabihin na din natin na nagtiis ako. Nakakapanghinayang e. Bukod sa sinabi ni Lolo M, nanghihinayang din ako sa friendship na nabuo namin sa loob ng ilang buwan. Siguradong mamimiss ko sina Tim, si Wavin, si Lolo M, si Spade, 'yung iba pa. Sige isama na din natin ang ibang egg warriors.
Sa loob ng ilang buwan na pananatili sa Class Z, naranasan ko 'yung mga hindi ko pa nararanasan noon. Naranasan ko ding maikasal, magkaroon ng nagc-confess at higit sa lahat naranasan kong ituring na prinsesa ng mga kaibigan. Eto rin 'yung isa sa pinanghahawakan ko. Parang nakakapanibago kapag biglang nawala nalang. Nasanay na ako e.
Sa tuwing naiimagine ko na isang araw gigising ako na hindi ko mababasa 'yung nakakairita nilang flood messages, na isang araw hindi ko na uli sila makakakulitan, makakatampuhan, nasasaktan ako.
Sobra na akong naattach to the point na parang ayoko munang dumaan ang araw, kasi baka isang araw pag nakatapos na kaming lahat baka dumating sa point na 'strangers' nalang kami sa isa't isa.
Ayoko non.
Napabuntong hininga ako.
Sobrang nakakasenti talaga kapag mag-isa ka. Lahat nalang ng kadramahan, naiisip ko. Nagooverthink ako at naiiyak ako kasi ayaw na ayaw kong malayo sa kanila pero ngayon nasan sila?
Iniwan din nila ako.
Umalis din sila pero naiintindihan ko naman. Naiiyak lang talaga ako kasi ngayon mag-isa na naman ako...
-------------------------------------------*-*
This is a work of fiction. Any names or characters, businesses or places, events or incidents, are fictitious. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Mabuhay! Whatzup sa lahat? Kamusta 2024 niyo? Ako eto, masaya kasi may season two na yey! */nagsabog ng confetti. Anyways, simula na naman ng mga bagong kabanata at inaasahan kong muli ang inyong suporta sa ating season 2.
Don't forget to vote, comment and share niyo na din sa mga friends niyo. Mas mapapabilis update kapag nagvote and comment kayo. ^^ Highly appreciated po! To new readers before reading this story kindly read the season 1 po.
So, without further ado, I give you the Class of Morpheus Season 2. Enjoy reading!
Class of Morpheus 2024
Season Two
Ariestellerツ
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...