Chapter 3

83 3 2
                                    

Unity?

"Buti nalang umalis na."

Naguguluhang tiningnan ko si Timothy bago napatayo. Akmang tutungo na ako sa may pintuan para sundan si Angel pero pinigilan ako ni Wavin.

"Saan ka pupunta?" Seryosong tanong niya.

"Susundan ko lang siya--."

"Huwag na." Agad nyang sagot.

"Bakit?"

Nag-iwas siya ng tingin sa'kin. Sabi ko na nga ba't may mali. May hindi ako alam at mukhang wala silang balak na ipaalam 'yon sa'kin.

"Bakit hindi ko siya pwedeng sundan?"

Binawi ko ang braso ko kay Wavin. Tiningnan ko rin si Timothy pero nag-iwas lang siya ng tingin. Nasa amin na ulit ang atensyon ng lahat maging si Zero na kalapit lang namin.

"Bakit nyo naman siya ginanon? Kawawa naman 'yung tao." Napacross arms ako.

"Naaawa ka sa kanya kaya gusto mo syang sundan?" - Kin na nakatayo na.

"Oo--."

Pinutol niya ang sasabihin ko.

"Oh sige sabihin natin na nasundan mo siya. Oh, tapos?" Tumaas ang kilay niya. "Ikocomfort mo siya? Magpapacomfort ba?"

Hindi ako agad nakasagot, napaisip ako. Hindi kami close ni Angel kaya hindi ko alam kung magpapacomfort siya.

"May mapapala ka ba don? 'Di ba, WALA!" Pinagdiinan niya pa talaga 'yung wala. Napakagat ako sa labi. "Hindi 'yon magpapacomfort, sinisisi ka na nga kanina hindi ka pa nakahalata?"

Sinisisi? She's just trying to help them by convincing me na iconvince din sila na lumipat. Hindi ko 'yon tiningnan in a negative way kaya hindi ko siya maintindihan. I find her suspicious pero naaawa ako sa kanya kanina.

"Ano? Natameme ka?" He hissed. "Wala kang masabi? Hindi kasi nag-iisip."

Napayuko ako bago napaupo. Ayokong makipagtalo sa kanya. I look at Timothy then saw him sigh mas lalo akong napayuko.

I did it again.

Inilibot ko ang tingin sa kanilang lahat. They were all looking at me.... disappointed?Dapat talaga hindi nalang ako nagsalita.

"George.." Tumayo si August. "You know why we came back?"

Umiling ako. Sobrang tahimik ng room na 'to. Nakikinig sila sa magsasalita. Nakakanerbyos. Ano nga bang rason kjng bakit bumalik sila?

"Ang sabi niyo kanina mas gusto niyo dito."

"Bukod pa don, bumalik kami dahil naiwan ka."

Haaa? B-bumalik sila dahil naiwan ako? Bumalik sila dahil sa'kin? Napatayo ako.

"T-teka l-lang!" Nanlalaki ang mata ko, nang-agaw pa 'ko ng phone para tingnan 'yung oras. May sampung minuto pa! "Tumayo ka dyan! Halina ihahatid ko kayo don. May 10 minutes pa." Lumapit ako kayna Timothy at Wavin pilit silang pinapatayo.

"Tayooo! Tayo na---."

"AYOKO!" Malakas na sigaw ni Wavin na nakapagpahinto sa'kin sa pagpilit sa kanilang tumayo. "DITO NGA NAMIN GUSTO BAKIT BA ANG KULIT MO?!"

G-galit? Galit siya? Totoong galit siya! Nanlilisik 'yung mga mata niya. Ang lakas pa ng boses nya.

"AYOKONG LUMIPAT! GUSTO NAMIN DITO, HINDI SA CLASS A KUNDI DITO SA CLASS Z! AYAW NAMIN SA CLASSROOM NA MAY YVO, MAY ANGEL, MAY TRISTAN. GUSTO NAMIN DITO!"

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon