Chapter 10

55 2 5
                                    

Jacob's Grandma

“L-lola?"

Imbes na si kuya ang lapitan ko ay yung lola ni jacob ang nilapitan ko. Hinawakan ko siya sa balikat kaya napalingon siya sa'kin. Nakakunot ang noo halatang naguguluhan siya sa pagtawag ko sa kanya.

“Lola ni Jacob?" Nagpabalik balik ang tingin ko sa picture at sa kanya. “Ikaw nga po! Nandito ka lang po pala…"

Pero anong ginagawa niya dito sa bahay?

Nilingon ko si Kuya na mangiyak ngiyak pa din. Napansin niya na nandito na 'ko.

“Georgina…." Mangiyak ngiyak na tiningnan niya 'ko. Dala dala 'yung brief niya ay lumapit siya sa'kin. Aish, ano bang nangyayari dito kay Kuya?

Nilapitan ko din siya.

“Anyare kuya? Bakit nandito 'yung Lola ni Jacob? Ba't ganyan nangyari sa brief mo?"

He sigh. “Pinapasok ko siya dito kasi nga siya 'yung Lola ng kaklase mo. I remembered her and isa pa, gutom na din daw siya so I helped her. Pero look at what she have done…" ipinakita niya 'yung brief niya.

Napangiwi ako. Nakaupo lang 'yung Lola ni Jacob na parang walang nangyari. Mukhang wala siyang alam at mukha ding wala din siyang pakialam sa paligid.

“Bakit ba nagkaganyan 'yan?"

“I was just busy cooking, nakalingat lang ako saglit pinupunas na niya 'yung brief ko sa lamesa. I saw her, medyo napasigaw ako out of shock kaya naibato niya 'yung brief ko sa malapit sa lutuan." He messed his hair. “Shit, this was the very first brief that I bought with my own money."

Stress na stress si kuya. Lahat kasi ng gamit niya pinapahalagahan niya. Eto pa naman unang binili niya noong nagkapera siya kaya ganito siya magreact.

“E ba't kasi nasa kusina ang brief mo ha?"

“Maliligo kasi sana ako ng kumatok 'yung Lola ni Jacob."

Aissh. Kaya pala. “Oh, anyare? Diba pinagluluto mo si Lola ni Jacob? Nakakain na ba siya? Ichachat ko lang si Jacob na nandito ang Lola niya."

“Yeah, I'm cooking right now---SHIT!"

Agad na nanlaki ang mata naming dalawa. Nagkatinginan kami bago hinarap 'yung niluluto at nandon 'yung Lola ni Jacob! Siya na 'yung nagpiprito don.

Hindi ko man lamang napansin na umalis siya don sa upuan. May superpowers ata 'yung Lola ni Jacob.

“Teka po---."

Naputol 'yung sasabihin ko nang magsalita 'yung Lola ni Jacob. Seryosong seryoso pa siya nung nagsalita siya.

“Ano bang ginagawa mo apo?!"

Hala, ba't sumisigaw lola ni Jacob? Napapikit ako nang balingan niya kami ni Kuya.

“Saan ka ba pumupunta?" Kinakausap niya si Kuya. “Kita mo nang nagluluto ka kung saan saan ka pumupunta!"

She was talking to Kuya Gio. Punong puno ng pagaalala ang mukha niya, nandon din ang lungkot sa mata niya. At hindi ko alam kung bakit…

“I was just trying to fix this.." Ipinakita ni kuya 'yung brief niya.

“Bakit hindi mo nalang ipinaayos sa akin? Tatahiin ba 'yan? Ako na ang magtatahi, malinaw pa naman ang mata ng Lola mo, Jacob."

Jacob?

Napaawang ang labi ko. Akala niya si Jacob si Kuya! Tekaa, bakit? Bakit hindi niya makilala ang sarili niyang apo? Si Kuya Gio halatang naguguluhan din.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon