Meeting
"I told you to just stay in your house." May diin nang sabihin yon sakin ni Zero.
He's sitting beside me habang nanlilisik ang matang nakatingin sa unahan kung saan nakatayo si Louis.
"Bumili lang naman kaming isaw." Bulong ko kay Zero.
"You should've just told me, ako na sana bumili para sa'yo."
Ngek. Ginawa naman akong tamad.
"Kaya ko naman bumili na mag-isa."
"That is not my point, Noburi." He didn't even try looking in my direction. Galit? Mukha nga. "Look at where we are now."
Saan nga ba kami?
Nasa loob kami ng isang classroom. This is where the meeting were being held. Nandito din ang officers ng Class A, B and C. Gayon din ang officers ng lower year.
"Edi sana hindi kayo sumunod." Nagmamaktol kong wika.
"Kung ayaw mo kaming sumunod, hindi mo dapat pinairal katigasan ng ulo mo."
Aba. Napa-side eye na ang mata ko kay Zero. Magsosorry naman ako e. Nagsosorry naman ako kaso napaka-mainitin ng ulo.
"Pwede huwag kang magalit sa'kin?"
This time tiningnan niya ako. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Akmang magsasalita pa siya pero hindi niya itinuloy. Then he let out a deep sigh.
He looks so done. Napasimangot ako at saka sinulyapan si Tim at Wavin na nasa likuran namin. I looked at them teary eyed.
They mouthed 'Lagot ka'.
Kahit kelan hindi marunong mang comfort, tsk.
Feeling malinis e kasama ko naman dito pagbili. Bakit ba kasi siya nagagalit? At bakit ba ako nandito?
Gusto ko lang namang bumili ng isaw. Wala sa may tapat namin kaya sa may school ako pumunta but then bigla nalang akong hinila ng SSG staffs or officials. Pati sina Timothy at Wavin. Yung mga katawan pa naman nila ang lalaki. Kaya ang ending napilitan kaming pumasok dito kahit nakapambahay, may dala-dalang isaw at wala akong suklay.
And before we knew, nandito na din sina Zero, Archer. Ang wala nalang dito ay si Gray at si Kin.
"Ang pogi naman non..." Nagpupuso puso ang mata nung mga lower year na nasa dulo habang nakatingin sa mga kasama ko.
Napaayos ako nang upo at saka napabuntong hininga.
"So, the agenda of this meeting is our christmas party this upcoming saturday."
Christmas party? Sheett.
Napalinga linga ako sa paligid. Wala dito si Mrs. De Villa. Tanging si Louis ang nasa una at nagsasalita. He's smiling from ear to ear at mukhang natutuwa siya sa reaction ng mga nasa main except syempre sa'min na walang pake ang mga kasama.
"Everyone is expected to attend. And when i say everyone, even Class Z..." Humarap si Louis sa direction namin. "It's been years since nakasama natin sila sa iisang event. And naisip namin na this will serve as a gift sa pagkakapanalo nila sa unang challenge."
Napangiwi ako. Parang hindi nagustuhan ni Zero yung sinasabi nito ni Louis maski sina Wavin, Archer at Timothy.
"This is mandatory so wala din naman kayong magagawa kung ayaw niyong umattend dahil mapipilitan kayo. Isa pa, punishment will be given to those who won't abide by the rules."
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...