Chapter 31

35 4 1
                                    

Sabotage

“We will now start the Battle of the Brains." pagsasalita ni Mrs. De Villa.

Sinapo ko ang dibdib ko. Ang bilis pa rin ng tibok nito. Hindi pa rin ako nakakamove on sa kanina. Buong akala ko hindi sila dadating buti nalang dumating sila!

“We will follow the schedule. Representative come up on stage."

According to schedule. So, si Tim ang mauuna sa'min.

Hinanap ng mata ko si Timothy na nasa pinakanglikod. Kasamahan niya sa likod nakaupo sina Zero. Nag-uusap usap silang lahat.

Hihintayin ko nalang na mapadaan si Tim sa harapan ko, saka ko siya ig-goodluck.

Sinulyapan ko ang kalaban, si Nero pala.

“Nero! Nero! Nero! Nerooooo!"

Malakas ang hiyawan ng crowd. Isinisigaw nila ang pangalan ni Nero na ngiting ngiti. Naglakad pa siya na pamodel tapos inirapan niya kami nang mapatingin siya sa'min.

“Hmp, kala mo maganda!"

Shining shimmering splendid na naman siya. Napailing ako. Kinakabahan ako!

Tapos na makipagchikahan si Tim kayna Zero. Sa wakas! Naglakad siya papunta sa unahan. Madadaanan niya kami since nasa unahan kaming mga babae.

“Tim, goodluck!" Paggoodluck ni Nadya.

“Ayusin mo ha or else!" Ani Corine sabay irap kay Timothy na ikinatawa nito.

Simpleng 'galingan mo' o 'di kaya ay 'ipanalo mo' ang sinasabi ng egg warriors kay Timothy. Nang mabaling ang tingin niya sa akin ay ngumiti siya—ngiting kasama pati mata.

Ewan ko dito kay Timothy, parang hindi man lang kinakabahan.

“Saan goodluck ko ha?" Tanong niya.

Nagmake face ako. “Kinakabahan ako, Tim."

“Ngi. Ako ang lalaban hindi ikaw."

'Yung mukha nila hindi maipaliwanag. Parang sobrang naweweirduhan sila sa'kin.

“Alam ko! Kinakabahan ako e. Do your best, Tim."

“Sureee! Sabi mo e—."

Biglang nagsalita si Mrs. De Villa. Hinihintay na si Timothy. Kanina pa kasi ih.

“Oh, dito na 'ko. Bantayan mo bag ko don sa huli, George. Baka kunin ni Wavin 'yung pagkain ko."

Sapilitang pinatayo niya ako sa upuan ko. Kunot noong napalingon ako sa likuran. 'Yung upuan ni Tim ay napapagitnaan ni Wavin at ni Kin.

“Dito nalang ako."

“Dun ka na." Binalingan niya ang iba. “Panalo na 'to guys, believe me." He wink before going to the stage.

Kahit kelan napakamahangin. Jusme.

Lumapit ako sa may pinakanglikod na upuan. Hindi para umupo don kundi para kunin 'yung bag ni Timothy. Sinalubong ako ng tingin ng mga officers na nandito.

“OH, PANGET?" nagtatanong na ani Wavin. Pinanlakihan ko siya ng tingin.

“Laksan mo pa boses mo." Madiin kong sagot.

“BAKIT? NAHIHINAAN KA PA BA SA BOSES KO?!"

Napafacepalm nalang ako. Kingina naman neto ni Wavin. Wala ba siyang pakiramdam?

“ARAY KOO!" Pag-aray nya nang kurutin ko siya.

Nagtinginan sa amin lahat. Maski sina Timothy na nasa taas na ng stage.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon