Second Plan
“Mga buset sila!"
Napaupo ako sa may damuhan. Kanina pa nagmumura ang mga Egg Warriors. Nanggagalaiti pa din sa galit at inis. Kahit ako naman, sobra akong naiinis sa ginawa nila.
Para kaming hindi tao kung ituring.
“Do you think it'll work?"
Nandito kami sa may labas pa din ng main building. May mga nakabantay na ng estudyante sa may gate nila. Nakapanood pa ang iba sa amin, may nagpapaalis pa sa'min dito pero hindi kami umalis. Nasa labas na mga kami bawal pa din?
Si Sir Steve ay pumasok ulit sa loob. Binabato pa rin siya kahit mag-isa nalang siya. Medyo naaawa ako kay Sir kasi nadamay siya. Ang kikitid kasi ng mga utak nila. Hindi makaintindi.
“Let's just hope that it works." Sagot ni Gray kay Timothy.
Nasa harap ko sila nag-uusap, nandito din si Archer at Kin. Si Zero naman nasa may dulo, sa may puno. Gusto niya atang mapag-isa.
Hindi niya siguro inaakala na magiging ganito ang kalalabasan. Marahil ay sinisisi niya 'yung sarili niya sa nangyari. Ang original plan kasi namin ay 'yung kay Lolo M na kung saan unti-unti kaming magrerecord ng ebidensya na ipanlalaban sa officials. But Zero insisted na ganito ang gawin. And we agreed. We all agreed. Kaya wala siyang kasalanan.
We're now down to second plan. Sana gumana.
“Dadating kaya sila?" Maang na tanong ni August.
“Hindi ko alam." sagot ni Donald.
Halos 30 minutes na kaming nandito sa labas. We're waiting for them na dumating. Kinakabahan na 'ko. Paano kung hindi sila dumating o 'di kaya'y paano kung hindi nila kami paniwalaan?
“I hate them!" - Olyvia
Napabuntong hininga ako. Hindi man lang umalis sa pagkakabantay 'yung mga lalaki dun sa gate nila. Napahawak ako sa dibdib ko. Nastress na 'ko. Nakakainis.
Sa tuwing pinagmamasdan ko 'yung mga kaklase ko parang gusto ko biglang lapitan 'yung mga lalaki at sumbatan sila. Bakit nila kelangang saktan? Kelangang ba talagang daanin sa dahas? Para kaming kriminal kung ituring.
Para kaming walang pakiramdam. Tingin ata nila sa'min bakal e. Hindi nila alam nasasaktan din naman kami sa ginagawa nila.
“George, ayos ka lang?"
Lumapit si Timothy. Agad akong umiling.
“Mybad. Sino bang magiging ayos sa lagay natin ngayon?"
Nagawa pa talagang tumawa ni Timothy. Napabuntong hininga ako. Umupo siya sa may kalapit ko.
“Sabi ko naman sa'yo e dapat sa iba ka nalang nagtransfer. Hindi mo sana mararanasan 'to."
Napatitig ako sa kaniya. Seryoso ang mga tinging ibinigay ko sa kaniya. “Wala akong pinagsisisihan, Timothy."
Ngiti lang ang isinagot niya. Mabuti naman at naiintindihan niya. Hindi ako nagsisisi na napunta dito sa Noblesse High. Naiinis lang ako. Gusto kong baguhin 'yung bulok na sistema nila.
Pero paano?
E, 'di hamak na estudyante lang naman ako—kami. Tapos tinuturing pa nilang basura.
Ano kayang mararamdaman ng mga magulang ng nga egg warriors na 'to kapag nalaman nila ang nangyari?
“PAPASUKIN NIYO KAMI!"
Boses ni Kuya!
Nanlaki ang mata ko at saka napatayo. Ganon din ang iba. Nandito na sila! Humahangos na dumating si Kuya Gio, may kasama siyang isang babae na maganda. May iba pang mga kasabayan sila na may katandaan na pero halatang mayayaman.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...