Sir Steve
Isang linggo.
Hindi pa rin pumapasok si Sir Steve! Nung tatlong araw lang siyang hindi pumapasok, okay pa. Pero isang linggo? Ayaw na ba samin ni Sir? O baka may nangharass na sa kaniya para hindi kami pasukan. Walang sense kung magtatanong kami sa main dahil hindi naman sila sasagot ng maayos. Tsaka wala silang pake sa'min.
Mga epal kasi sa buhay.
“Alis na tayo?"
Time to leave na pala. Tumayo ako bago binitbit 'yung bag ko na cellphone ko lang ang laman. Lumapit ako kay Wavin at Timothy.
“Tara na."
Papunta kami kay Sir Steve na bahay ngayon. Paano namin nalaman 'yung address ni Sir? Sariling sikap! Si Archer ang naghanap ng paraan kung paano. Hindi ko syur kung paano niya din nalaman basta alam nalang niya. Detective ata pamilya nila.
“Saan daw ba sila?" Tanong ko kayna Timothy.
“Aba, ewan ko."
—_—
“Anong ewan mo? Ikaw kausap nina Zero diba?"
Kaasar 'tong si Tim. Mamaya iniwan na kami ng mga 'yon.
“Ah, 'yun ba. Nasa apartment pa sila."
Napangiwi ako nang ngisian niya ako. Nu na naman bang nilaklak niya't lutang siya? Tulog pa ata utak nito.
“Sure kang sasama ka?"
Agad niya 'kong nilingon. “Oo, naman!"
“Tulog ka pa ata e."
“Gising na gising ako, hoy!" Pinanlakihan niya pa ako ng mata.
Napailing nalang ako. Halata namang inaantok pa siya. Dapat hindi na lang siya sumama pagsundo sa'kin dito, kasabay ko naman si Wavin. Speaking of Wavin, nakaheadset pala ang angry bird na 'to kaya hindi ako naririnig.
Nakarating na kami sa apartment nila. Nandon na sa labas sina Gray, Archer at Zero. Napangiwi ako. Ba't ganito sila? Mukha na naman silang isang grupo ng kulto. Nakaitim ba naman lahat. Jusme.
“Nays! Same tayo ng color ng damit! #Weareone!"
Tuwang tuwa si Timothy may pagtalon talon pa. Kinakabahan tuloy ako bigla. Bala imbes na papasukin kami ni Sir Steve sa bahay niya ay hindi, para silang kampon ng dilim.
“Si George lang hindi nakablack, epal."
Pinagsasabi nito ni Tim?
“Required pala?"
Kung alam ko lang edi sana hindi ako nagwhite! Artii. Atleast nakablack cargo pants ako.
“Oo! Wala na, hindi ka na kasalii."
“Oh, shut up, Tim." Inirapan ko si Timothy bago binalingan 'yung trio. Tahimik nila ah.
“Aalis na ba tayo?"
Lahat sila ay napatingin sa'kin.
“Not yet." Lumapit sa'kin si Gray. “Kin's still not here."
Si Kin? “Sasama pala si Kin?"
“Yeah." Sagot naman ni Archer.
Shete. Akala ko hindi siya sasama. Nung nag-uusap usap kami ay paayaw ayaw siya tapos sasama pala ngayon. Hindi rin makatiis.
“Sa kaniyang sasakyan, yung sasakyan natin." Sagot ni Timothy na nasa katinuan pa.
Kasama pala si Kin, akala ko hindi! Pero wala namang kaso kung sumama siya. Nakakailang pero hindi na naman kami nagsasagutan na dalawa. Inerase ko na sa utak ko 'yung nakita ko siyang umiiyak don sa rooftop. Ayoko nang guluhin pa lalo utak ko, malapit na magend ang taon. Gusto ko naman 'yung masasabi kong new me na. Stop na 'ko sa pangengealam era ko.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...