By pair
"Kuya, aalis muna ako. Mags-shopping lang."
Nangunot ang noo ni kuya. Mukhang hindi siya makapaniwala.
"Shopping? May pera ka?"
Napahinto ako sa paglalakad.
"Aba, syempre wala."
"Oh, pano ka magsa-shopping niyan?"
"Window shopping lang, dzuh!" Nag-roll eyes pa 'ko na nagpatsk sa kaniya.
Huminto si Kuya sa ginagawang pagluluto bago pumasok sa loob. Paglabas niya dala niya na yung wallet niya.
"Oh." Nakabusangot niyang inabot ang isang libo. Maang na tiningnan ko siya.
"Hala, ano 'to kuya? Ba't mo ako binibigyan ng pera? Birthday mo?"
"Hindi. Birthday mo."
"Ahhh. Birthday ko pala—ARAY!"
"Kahit kelan ka napakaslow mo! Kunin mo na 'to bago kita ipagimpake ng mga damit mo!"
Sakit sinapok ako, hmp. Nakabusangot na kinuha ko yung isang libo.
"Salamat!" Pasigaw kong ani.
Sinamaan ako ng tingin ni Kuya bigla. "Galit ka?!"
Napanguso ako. "Hindi, nagpapasalamat lang."
Tumaas ang isang kilay niya bago bumalik sa pagluluto. Ngpaalam na ako dahil baka mapalayas ako bigla ng kuya kong panot.
Pupunta akong mall ngayon para magshopping. Actually window shopping lang naman talaga gagawin ko e. Pero dahil binigyan ako ni kuya, samantalahin ko na. Hindi dapat tumatanggi sa grasya hihi.
Wala ata si Wavin sa bahay nila. Walang nagkakaingay e. Usually kapag nandon si Wavin palaging maingay. Halos lahat ng member ng pamilya nila malakas magsalita, parang lahat sila naka mikropono. Kaya sure ako na wala don si Wavin.
Di bale si Timothy nalang aayain ko. Tinext ko si Tim. Maigi ding maisama para may maingay. Atsaka kapag kasama ko silang dalawa feeling ko I am a matured and independent woman. :-D
Pareho kasi silang isip bata.
Ayan, nagtext.
"Dear cutie patotie Georgina Astair na bestfriend naming maliit..." Napangiwi ako habang binabasa ang text messsage ni Tim. Nakakasuka talaga siya sa chat, apakajeje.
"Ipagpapaumanhin mo subalit, datapwat pero kahit dahil hindi ako makakasama sa'yo. I have a very very very very merry important thing to do. Sorry. Pero babawi ako. Bye, thanks. Sana hindi ka magalit kasi lumalaki butas ng ilong mo...Love, Tim pogi."
—_— ??
Hindi ko alam kung matatawa ba 'ko, malulungkot o maiinis. Pero sige mas lamang naman ang pagkaasar ko sa kaniya. Lagot talaga siya sa'kin pag nagkita kami.
So, ako lang muna ngayong araw.
Ayoko namang itext sina Gray, Archer at lalo na si Zero. Medyo nakakatakot silang kasamang tatlo. Baka may ginagawa sila makaistorbo pa ako.
*PHONE VIBRATING*
"Eh? Sino naman kaya?"
Nanlaki ang mata ko pagkaopen ng message. Unknown number. Yung black lady kaya 'to? O si Yvo?
From : 09xxxxxxxxxx
Layuan mo si Kin.
Napaawang ang labi ko sa nabasa. Sino 'to? Paanong nasama ang pangalan ni Kin? At saka malayo naman ako kay Kin ah!
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
No FicciónNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...