Chapter 9

54 3 0
                                    

Finding you

“S-sa… d-dito lang daw...."

Natataranta na siya. Nanginginig siya. Halatang kinakabahan din siya. Hinawakan ko ang balikat niya.

“Jacob! Huminahon ka."

Maang na tiningnan niya ako. “P-paano ako hihinahon?!"

Tumaas na ang boses niya. Hinila ako ni Gray palayo kay Jacob. He even step up at saka ako inilagay sa likuran niya.

“Huwag mong sigawan si George, Jacob."

Maang na tiningnan ko si Gray, mukhang seryoso pa siya. E mas dapat na pinagpofocusan namin dito ay 'yung paghahanap sa Lola ni Jacob.

Napasabunot sa sarili si Jacob. “I-I'm just really worried! Hindi ko na alam kung saan na napunta si Lola…"

Aww. I can't help myself But to step up. Pinigilan pa ako ni Gray pero hindi ako nagpapigil.

“Hahanapin natin ang Lola mo." Tinitigan ko siya. He looked at me teary eyed. “Pero sa ngayon, kelangan naming malaman kung nasaan ang Lola mo…"

Kanina ko pa tinatanong pero hindi naman kami sinasagot. Napapangunahan siya ng emosyon niya.  Sinenyasan ko siyang kumalma. Nang akmang magsasalita na siya ay may tumawag sa amin.

Sina Archer at Zero na tumatakbo papunta sa amin.

“Hey…" bungad ni Gray sa kanila. Pareho nilang tiningnan si Jacob.

“We'll help you find your grandma." wika ni Zero.

Alam na din nila 'yung tungkol dun sa Lola ni Jacob. Hanep talaga 'tong dalawa na 'to. Todo tango naman si Jacob, tatakbo na sana siya pero buti nalang naalala niya na need ko ng picture at info kung saan pumunta 'yung Lola niya. Sinabi niya muna 'yon bago nauna nang maghanap. Naiwan kaming apat dito nina Zero.

“It'd better if we'll split up." Tipid na suggest ni Archer.

I agree! Kasi Kung magkakasama kami, babagal ang progress sa paghahanap kaya dapat talaga maghiwalay na.

“I'll go there…" naghati hati na sila pero hindi naman ako sinasama. -.- Nandito din kaya ako.

Si Zero sa may kanan, si Gray sa may kaliwang eskinita tas si Archer diretso lang katulad ni Jacob.

“Yeah, let's do that…" ani Gray.

Tekaaa langgg! Hindi talaga nila ako sinasama sa usap nila. Akala ko ba belong na ako? Ano na naman 'to.

“Let's go--."

“TEKA TEKA!" Sumingit ako sa gitna nila. “Saan ako?"

Tinaasan ako ng kilay ni Zero samantalang nangunot ang noo nina Archer at Gray.

“What do you mean saan ka?"

Hanep 'tong si Zero hindi na nakakaintindi ng tagalog.

“Maghahanap din ako." I gave them a straight face.

“No. Just go home." Agad na ani Gray.  

Go home? Luh. Napapameywang ako.

“E sa gusto ko ngang maghanap e! Bakit niyo ba 'ko pinipigilan? Keri ko din naman maghanap ah! Anong tingin niyo sa'kin hindi capable maghanap? Walang kamay at paa ha?----."

“Fuck, you're too noisy."

Inirapan ko si Zero. Tapos nagrereklamo kapag naingayan! Labo nila.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon