Sympathy
“Anong pumasok sa kukote mo at dinadala mo ko sa clinic ngayon?"
Tanong ko sa kabila ng katahimikan. Pataas palang kamj ng hagdan. Nabibigatan ata si Zero sa'kin kaya ang bagal niya maglakad. Hindi niya ako tinapunan ng tingin.
“Saan ka ba tumitingin at nagkasugat ka?"
Napanguso ako. “Tinitingnan ko lang naman kung nakaalos na 'yung kotse nina Corine."
“While running?"
Galing manghula ah. Paano niya nalaman 'yon? Tumango ako sa kaniya. Hindi ko na babanggitin na nakabunggo ko si Angel at may plano kaming magmeet up mamaya.
“Stupid."
—_—
“Sorry ha, hindi kasi ako katulad mo." Sarcastic kong sagot.
“Stupid." Pag-ulit niya.
“Gets ko na nga. Ulit ulit? Unli?" Iritado kong sigaw sa mukha niya. Hinigpitan ko hawak sa balikat niya para dama niyang naiinis ako sa kaniya.
“You really are stupid, Noburi."
“Anong sabi mo?!"
Inilevel ko 'yung mukha ko sa kaniya. Hindi man lang siya natinag pero nawala 'yung blangkong tingin sa mata niya. Nagulat ata siya sa ginawa ko. I glared at him.
Dugdugdug.
“What are you…. FUCK!"
Hineadbat ko siya! Huh! Kala niya ha. Nakangising tiningnan ko siya. Pfft. Namumula noo niya. Gusto niya sigurong hawakan 'yung noo niya pero hindi niya magawa dahil buhat niya ako.
“Baliw ka na."
Nagyayabang na tiningnan ko siya. “Namumula noo mo, HAHAHAHAAH--."
Napangiwi ako. Padabog akong ibinaba ni Zero sa clinic bed. Nandito na pala kami. Psh, asar talo talaga.
“Pero walang halong biro, namumula nga talaga."
Itinuro ko pa ang noo niya. Napatigil siya sa paghahanap ng first aif kita. Sinamaan niya 'ko bigla ng tingin.
“Joke lang, gagaling agad 'yan."
Naooffend ko ata, naku po! Humakbang siya nang humakbang palapit sa akin. Yung mga mata niya nanlilisik na naman. Napaawang ang labi ko bago napapikit. Mananapak na naman 'tong impakto na 'to.
Eeeehh?
Nasapo ko ang noo ko na pinitik niya ng mahina. Minulat ko ang mata ko pero wrong move pala. Sobrang lapit ng mukha niya sa'kin.
Kitang kita ko ngayon ang mga mata niya. His dark cold eyes, yung matangos niyang ilong. Ngayon ko lang din napansin ang mahaba niyang pilik mata. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito kalapit.
“Doesn't it reminds you of our wedding?" He smirked at me.
Biglang nanlaki 'yung mata ko. Mas lalo niyang inilapit 'yung mukha niya. Naalala ko bigla 'yung fake wedding na 'yon. Kiniss niya 'ko sa noo.
“Anong our wedding? Baka fake wedding!"
Namumula na ako. Halata namang nang-aasar lang siya but I can't help myself, nakakahiya! Why does he have to make me remember those times?
“Bakit parang nahihiya ka? Totoo namang ikinasal ka sa'kin, Noburi."
Biglang nagbago 'yung expression nung impakto. Ngayon ay para na siyang nang-aakit. Agad na napangiwi ako, tuloy tuloy na gumalaw ang kamay ko para sabunutan siya.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...