Rain
Hindi ako nakatulog.
I've been thinking about last night, the story two years ago. Ang dami kong nalaman and I don't know if I should be happy or not. But one things for sure, hindi naging maganda ang buhay ng Class Z sa Noblesse High even before and that makes me sad.
Hindi ako makapaniwalang isa si Yvo sa kaklase nila and I can't believe that he's an SSG officer that time. And si Angel, isa siya sa mga dahilan kung bakit mas lumaki ang gulo sa pagitan ng Class A, at sa pagkawala ni Spade.
Andami kong naiisip to the point na hindi ako makatulog. Well, ganito siguro kapag pakialamera. Pfft, if Kin can saw me right now siguradong ipapamukha niya sa'kin na tama siya. That I was really what he thinks I am. Pakialamerang bida bida, na palaging gustong alam ang nangyayari.
That's what he thinks I am. At siguro nga tama siya.
Isinuot ko ang sapatos ko at saka naglakad paalis.
Maaga akong uuwi since hindi na ako makatulog. Alas kwatro pa lang ng umaga pero nagpaalam na 'ko kay Lolo M bago matulog. Although hindi naman talaga ako nakatulog. Pero oks lang 'yon, maganda pa din naman ako.
Bumagal ang paglalad ko as I look at the beach.
“Ang ganda…"
Wala pang araw pero ang liwanag pa din ng buwan. Nangingintab pa ang dagat. Kung gising si Timothy at Wavin, siguradong nagpapicture na sila ngayon din. Iba pa naman braincells ng mga 'yon.
“Gising ka na."
Napahinto ako. Ang boses na 'yon? Kin?
Tama nga ako! Gising na si Kin. Nanlalaki ang matang tiningnan ko siya. He was holding an alcoholic drink on his left hand. Ngumisi siya sa'kin. Umiinom siya sa ganitong oras?
“How does it feel ngayong alam mo na? Masaya ka?"
He's mocking me. Napalunok ako. Anong isasagot ko?
“Pfft, I shouldn't have have asked. Syempre, masaya ka. Pakialamera ka e."
Napabuntong hininga ako. “Kin, gusto ko lang humingi ng sorry."
He raised his eyebrow bago uminom ng alak. Napapikit ako bago magpatuloy sa sasabihin.
“Dahil sa'kin napilitan kang magstay sa Class Z. Sorry din dahil palagi kitang nabubwisit kahit hindi ko naman sinasadya. Naging pakialamera ako and because of that naungkat pa 'yung sa g-girlfriend mo.."
Awtomatikong napatingin siya sa'kin upon hearing something about his girlfriend.
“… .sorry."
Hindi ko alam kung kelan nagsimulang ihate niya 'ko, kung nung unang pasok ko o 'yung pakikialam ko non sa kanila nina Zero. He often hurt me with his words, he even tried hurting me physically pero nasaktan ko din naman siya. And just as how much I'm aware of my own pain, I believe that I should be also aware of other people's pain.
Katulad ni Kin.
Nagtitiis siya ngayon because of me. Kaya din siguro kahit anong gawin ko, hindi mababago ang tingin niya sa'kin. But still I wanted to make peace with him.
“Saying sorry won't change a thing."
Nilampasan niya 'ko. Nagtuloy tuloy siyang lumakad pabalik sa resort. Sinundan ko pa siya ng tingin. I sigh.
Hihintayin ko na lang yung araw na maging okay kami ni kin.
“George, nandito na tayo."
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
SachbücherNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...