Chapter 44

51 4 0
                                    

Debate?

"Zero."

Nilampasan ako!

Sunod sunod.

"Zero."

Naglalakad pa din. He's not even looking at me. Puro lakad, kanina pa 'to naglalakad ah. Sabagay, pauwi nga pala kami. Eng-eng lang, George?

"Pres."

Wa-epek. 

"Eros."

Malapit na lang kami don sa apartment nila. Nilingon ko sina Tim at Wavin na inisnab ako. Ano yon galit din sila? Tampo?

Lumapit ako sa kanila. "Hoy, huwag niyong sabihing tampo din kayo?"

Sinabayan ko sila sa paglakad.

"Tingin mo?" Sagot ni Timothy.

Napakamot ako sa noo. Tampo din 'to. Iniirapan ako.

"Bakit ba kayo nagtatampo? Siraulo kayo! Kasama ko naman kayo pagbili ah."

Daming alam e.

"Hindi ka aattend."

Ba't napapunta don usapan? Nandon ako sa may isaw na part tapos nasa party naman sila.

"Required daw umattend."

Sumama ang mukha ni Wavin.

"WALA KAMING PAKE KUNG REQUIRED. HAYAAN MO SILANG MAGPARTY DON!"

Napanguso ako. Lakas amats. "Edi punishment na naman yon?"

Sawa na ko sa punishment. Puro nalang parusa. Huwag naman sana detention.

"Hindi ka pa ba nasanay? Tsaka magkakasama naman tayong tatanggap ng punishment na 'yon ah." Tila iritang wika ni Timothy.

"Kaya nga..." Pagsang-ayon ko.

Hindi muna ako nagsalita. Irita na sila e. Badmood na kapag nagsalita ako baka sumabog sila bigla. I actually don't get kung bakit ganito sila ulit. I mean, okay naman kanina.

Pero maganda sana kung makaka-attend kami kahit ngayon lang sa ganitong okasyon. Palaging pag nagpa-party kami, sa loob lang ng mansion ni Lolo o di kaya ay sa resort. Tapos walang ibang kasama kundi kami kami lang.

Maganda sanang experience yon.

Kaso ayaw nila. Kapag ipinilit ko for sure magagalit na talaga sila.

Pero what if?

"What if attend tayo—."

Napatigil sa paglalakad si Zero.

"Do you badly wanted to attend that party?" madiin niyang tanong, malamig ang tono ng pananalita niya.

Patay! Sinumpong na naman ng pagkamasungit. Nagbakasakali lang naman ako e.

"A-ahh, huwag nalang pala..."

"If you badly want to attend, then you can attend."

You can attend pero ang bitter ng pagkasabi? Nu daw yon.

"Hindi. Nagbakasakali lang naman ako baka pumayag kayo."

"Pwede ka namang umattend kung gusto mo. I will not force you to obey me."

Serious mode na si Zero. Napakamot ako sa noo. Yung way ng pagkatingin sakin nung tatlo, it's as if sinasabi nilang hindi na dapat ako nagsalita.

"Oo ngaa." Awkward kong wika. "Nagtry lang naman ako na baka pwede—."

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon