Petition
“Ngayon mo sa'kin sabihin ang lahat." Pagumpisa ni Kin.
Nakaupo kami ngayon sa loob ng basketball court na kalapit nitong eskinita. Mukhang luma at hindi na 'to pinupuntahan.
“Sinabihan niya 'ko na magkita kami…"
Huminto ako sa pagsasalita. Nakataas ang kilay niya at halatang hinihintay ang sasabihin ko.
“At pumayag ka naman?" Nangiinsulto ang boses niya nang sabihin 'yon.
I look directly in his eyes. Napalunok ako. Obvious naman kasi 'yung sagot kahit hindi ko siya sagutin. Napatayo siya.
“Ano bang pumasok sa utak mo at ganito ka?"
Napakagat labi ako. “M-may gusto lang kasi akong malaman---."
“Gustong malaman?" He scoffs. “Bida bida ka talaga no? Umaandar na naman yang pagiging pakealamera mo!"
Anlakas ng boses niya. Gigil na gigil siya nang sabihin 'yon. Parang hindi man lang niya iniisip kung anong mararamdaman ko. Wala siyang pakealam kung maoffend man ako sa sasabihin niya.
“Kin, may rason ako--."
“Alam ko. Gusto mo ngang malaman lahat diba?" He sarcastically smile at me. “Ano, saya ka diyan?"
Napakagat labi ako. “Wala naman akong ginagawang masama." Madiin kong sagot.
“Talaga? So, 'yung nangyari kanina, hindi mo kagagawan?"
Maang na napatingin ako sa kaniya. I can't help but to look at him frustatedly. “Ang sabi ko hindi ko 'yon kasalanan. I didn't hit her with a wood!"
Naiinis na ako. Naiirita na 'ko. Hindi niya 'ko pinapakinggan.
“You didn't hit her?"
“I didn't---." Napahinto ako. “Nasampal ko siya pero dahil sinampal niya ko na una! Pinagtanggol ko lang sarili ko."
“Pinagtanggol?" Lumapit siya sa'kin. “Alam mo kung paano mo mapagtatanggol ang sarili mo? UMIWAS KA! Dapat hindi ka pumunta don, hindi ka nakipagkita. Umiwas ka dapat kay Angel. Dati ko pa sinasabi sa'yo diba? Pero ano? Nagtanga-tangahan ka." Gigil niyang wika. “Tingnan mo nangyari sa'yo ngayon. Kasalanan mo 'yan!"
Itinuro niya pa 'yung tuhod ko na dumudugo na pala, pati na 'yung labi ko na nagkasugat dahil sa sampal ni Angel.
“Palibhasa kasi gustong gusto mong nakikialam. Gusto mo bida ka! Ayan, napala mo. Hindi porke tanggap ka na NILA ay gagawin mo na ang gusto mo. Magising ka nga!"
Todo sermon siya sa'kin. Hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko magawang tumayo o gumalaw sa pagkakaupo ko. Naiinis ako sa kaniya pero mas lalo akong naiinis sa sarili ko. May punto siya e. Dapat umiwas nalang ako kay Angel. Para hindi na nagalit sa'kin si Warren pati si Kin.
“Pinapalampas ko lang mga pinaggagagawa mo pero 'yung totoo? Kung pwede lang akong lumipat nung may pagkakataon.. Ginawa ko na."
Gulat na tiningnan ko siya. Bumigat bigla yung dibdib ko. Dahan dahan akong napatayo.
“A-anong sabi mo?"
“Bakit ko uulitin? Maiintindihan mo ba?" He paused for a second. “Simpleng instruction nga lang hindi mo pa masunod." Aniya.
Napatingala ako para hindi maiyak. Naiiyak ako sa sinasabi niya.
“Bakit hindi ka lumipat?" Tanong ko sa kaniya. Inipon ko ang lakas ng loob ko para itanong sa kaniya 'yon.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...