Jealousy
"Yvo!"
Isinigaw pang muli ni Angel. Nanlalaki ang mata niya at parang hindi siya makapaniwala na kasama ako ngayon ni Yvo.
Nabaling ang tingin ko kay Zero. Wala siyang reaction. Hindi ko alam kung inis ba siya o ano. Basta nakatitig lang siya.
Nadako ang paningin ko kay Yvo nang humigpit ang kapit niya sa'kin. Napangiwi ako. Sakit na ah. Babaliin pa ata niya kamay ko.
"Yvo." Mahina kong wika.
Yvo just smirked at me.
"Masakit. Bitaw." may pagbabanta ko nang wika. Masakit na talaga.
"Nasasaktan ka? Then try—What the?"
Aray ko!
Nasa side na ako ngayon ni Zero. Bigla na lamang niya akong hinila palapit sa kaniya. He's even holding my arms right now. At muntikan pa akong masubsob sa dibdib niya.
"Fuck off." malamig ang boses ni Zero nang sabihin yun. Hindi ko na maiwasang tingalain siya, si Yvo ang kinakausap niya.
"Oh? Bakit nagagalit ka?" Tila nang-aasar pang tanong ni Yvo.
Hindi sumagot si Zero. Nakipagtitigan lang siya kay Yvo.
"I was just saying hello to her."
"Shut up." Ani Zero na nakapagpatawa kay Yvo.
"Pfft. Damn, you're hilarious!"
"Shut the fuck up, Yvo." Pagbabanta ni Zero. Nararamdaman kong inis siya.
"I'm not doing anything. I just asked her. Right, Noburi—."
Humigpit ang hawak ni Zero sa braso ko.
"Don't talk to her."
"Why not?She doesn't belong to you nor in your section, so bakit hindi?"
"Yvo..." Nasa kalapit na ni Yvo si Angel. Ni hindi ko na namalayan.
Yvo scoff. "Why so protective? Ang bilis naman magbago ng ihip ng hangin. Nung isang buwan lang, iiwanan niyo siya sa Class Z ah. Anong palabas 'to?"
Tumataas ang boses ni Yvo. Kinakabahan na din ako. Paano kung magsapakan silang dalawa dito?
"Mind your own business."
Hinigit ako paalis ni Zero pero biglang nagsalita ulit si Yvo.
"Tsk. Damn you, Zero."
Hinila na ako paalis na tuluyan ni Zero. Sinulyapan ko si Yvo na kausap si Angel. Nang makita niya kong nakatingin sa kaniya ay bigla na lamang siyang nag-smirk.
I sigh. Ano ba 'tong araw na 'to. Epic fail.
"S..saan tayo pupunta?"
Kanina pa ako hinihila ni Zero, kanina pa rin mahigpit ang hawak niya sa braso ko. Hindi niya ako iniimikan o tinitingnan man lang.
"Zero."
Hindi man lang lumingon.
"Huyyy! Zero!"
Walang epek?
"Saan ba tayo pupunta? Uuwi na ba?"
Hindi sumasagot. Kinginang yan naman.
"Eros!EROSSSS!EROSSS!"
Pinagtitinginan na kami dito sa mall. Kingina naman kasi ayaw sumagot. Ang haba haba pa ng biyas niya, mabilis siyang lumakad kaya nakakapagod. Ang hirap makisabay.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...