Chapter 24

38 2 0
                                    

Long Week

Isang linggo na ang nakakalipas since nagstart kami don sa plano ni Lolo M. Ang sakit sa ulo. Pinupush talaga 'yung sa intellectual, emotional lalo na ang mental well being namin. Just like now.

“Oy, 1,2,3 up! And down! And go, forth. Left and right!"

—_—

Gusto kong itakwil bigla si Timothy.

What is he doing?

Bigla nalang siyang nagsasayaw don sa gitna, I don't even know kung anong klaseng style 'yon. Free style pa ata.

“Excuse me, sir. Anong ginagawa mo?" Nakangiwing tanong ni Achylis na nagtaas ng kamay.

Pakendeng kendeng pa si Tim nang tingnan siya. He swayed his body sa saliw ng tugtugin. “P.E. 'to kaya sabayan niyo 'ko. ang hindi sasabay walang grade!"

Jusko. Ano bang gagawin namin sa kaniya? Tinulungan pa naman namin siyang hawanin 'tong room at ilagay 'yung mga chairs sa tabi tapos ganito ginagawa niya. No wonder, walang sumusunod sa kaniya.

“Hoy, Tim!" Pagtawag ko sa kaniya.

“Ano? Tawagin mo 'kong sir!"

Nagtawanan ang mga egg warriors. “Sir, ano po ba 'yang ginagawa niyo?"

“Eto ba? This is what you call free style!"

Free style? Nagsasayaw pa siya talaga don.

“Dance kasi ang topic natin sa P.E. And alam niyo ba na marami palang klase ng dance style? Andami talaga kaya naisip kong free style nalang ituro sa inyo para isahan nalang---*BOOGSH*"

May nambato ng voodoo doll kay Timothy. Saan nanggaling 'yon?

“Umayos ka naman po, sir." Ani Jacob.

“Maayos naman. Eto nga kasi 'yon."

“Imyghad, what's wrong with you ba kasi?" Ani Corine na tila nawiweirduhan kay Tim.

Kaso hindi parin naawat! Kulit. Sinabi na ngang umayos hindi umaayos. Turuan ko na 'to ng leksyon--.

“Ayusin mo, Tim."

Nangibabaw ang boses ni Zero na nasa sulok. Nastress na din 'yung impakto sa paggiling ni Timothy. At syempre, knowing Tim, hindi niya susuwayin si Zero.

“Alright, Class! Our topic for today is…."

Nagstart na siyang magturo ng maayos sa wakas. Akala ko forever nalang siyang sasayaw sa unahan. Infairness, alam na alam nila ang tinuturo nila. Halatang pinaglaanan ng oras para matutunan. Kung tutuusin pwede silang maging guro kung gugustuhin nila. So far, madami kaming natututunan sa mga naka-asayn.

Sa loob ng isang linggo, nakapokus lang kami sa pag-aaral. Walang gulong naganap, tahimik lang. Kahit si Warren at Kin na sinusungitan ako sa tuwing nagkikita kami ay pinipili nalang na manahimik. Hindi ko na rin pinapatulan baka sabihin nangengealam na ako.

For the time being, kaniya-kanya muna.

Busy din naman ako sa sarili kong buhay. Hindi lang naman sa school at pag-aaral umiikot ang mundo ko. I'm trying to improve my self everyday. Tinutulungan ko din si kuya hanggat kaya ko.

Si Sir Steve, almost 3 days na siyang wala. Nag-aalala na 'ko kay sir. Hindi naman siya suspended para mawala ng ilang araw. Isa pa, may deal kami sa officials na hanggat hindi pa natatapos ang unang challenge ay hindi nila pwedeng paalisin si Sir Steve. We won't let them. Kaya kami nagsisikap mag-aral ngayon para hindi siya matanggal.

Ano na nga kayang nangyari kay Sir?

Lumabas ako saglit ng room. Buti hindi ako sinita ni Timothy. Kanina ko pa gustong lumabas, uhaw na uhaw na kasi ako. Wala akong baon na tubig. Si Wavin naman naubos na daw niya tubig niya, si Tim wala atang dalang bag. No choice.

Bumili ako ng tubig sa may cafeteria. Good thing talaga na may ganito sa building kaso baka mawala pa.

“Thank you po."

“Walang anuman, ganda."

Binigyan ako ng libreng kendi ng tindera. Wala e, sobrang babait talaga nila. Kaya dapat hindi 'to mawala.

Alam kong dapat ay bumalik ako sa classroom but I found myself heading towards the rooftop. Parang gusto ko ng sariwang hangin at katahimikan. Peace of mind na din.

Bumungad sa'kin ang malamig na hangin. Napapikit ako.  Tama ngang dito ako pumunta.

“Waaah, ang sarap sa pakiramdam na tahimik ang p-palig….." Unti-unting humina ang pagsasalita ko nang mapatingin ako sa isang tao na nasa may gilid.

He was sitting there while holding a picture at umiiyak siya. Hindi niya pa ako napapansin, si Kin. Kaya pala hindi ko siya makita kanina sa room.

He's really crying. Bakit umiiyak siya?

I was hesitating. Ano bang dapat kong gawin? Should I walk away or should I ask him why he's here?

Tanungin ko kaya---.

Napahinto ako. Ayan ka na naman, George. Mangengealam ka na naman. Kaya nagagalit sa'kin sina Kin e. This attitude of mine made them hate me. I sigh bago naglakad patalikod. Aalis nalang ako.

“George?"

Oh-uh. Nakita niya 'ko.

Agad akong lumingon.

“Don't worry, wala akong nakita." Mabilis kong wika na mas lalong ikinakunot ng noo niya. Nginitian ko siya bago mabilis na naglakad paalis.

Kahit na nagtataka ako kung bakit siya umiiyak, kahit gusto kong mag-usisa—pero huwag nalang siguro. Magagalit lang siya sa'kin. Iinit lang ang ulo niyang lalo.

Babalik nalang ako  sa room. Nabungaran ko si Gray na nasa may pinto. He look worried.

“Saan ka pumunta?" He asked.

“Bumili lang tubig." Sagot ko, itinaas ko pa 'yung tubig na dala ko.

“I thought you went home."

Went home? “Hindi pa nga tapos klase e."

Nagtungo ako sa upuan ko. Siya namang pagsunod ni Gray. Recently, lagi na siyang nakabuntot sa'kin. Hindi ako nagaassume, sinabi lang sa'kin nina Corine. Napapansin daw nilang palaging nasa tabi ko si Gray, nabanggit pa nga si Zerp. Nasama pa. Masyado silang maisip, sigurado akong trip trip lang ni Gray na sumunod sunod sa akin.

“Nakausap mo ba si kuya? Tinatanong ka kasi sa'kin."

Lakas ng trip nilang dalawa sa buhay. Si kuya naman hindi pa umamin sa'kin na may gusto siya kay Gray, na wala siyang nililigawan. Halatang halata na e. Palaging si Gray ang bukang bibig niya, kung kasama ko raw ba si Gray, ano raw bang ginagawa ni Gray, bakit hindi si Gray, puro pangalan ni Gray naririnig ko kay Kuya. Sa tuwing inaasar ko naman, nagagalit.

“Nah but I'll pay a visit later."

Tumango tango ako.

Saktong pagtingin ko sa pinto ay ang pagpasok ni Kin. Seryosong tiningnan niya ko. I also did the same. Parang may gusto siyang iparating. Mukha ding nagtataka siya. Nang hindi ako umiwas ng tingin ay naglakad na siya papunta sa upuan niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

Ang weird niya talaga minsan. Madalas siyang magsungit pero kanina umiiyak siya. Nac-curious na naman ako. Sino kayang nasa picture? Siguro mahalaga sa kaniya o baka namimiss niya kaya umiyak siya--.

I shook my head.

Hindi nga dapat kasi ako nakikialam! Sinampal ko ang pisngi ko ng mahina na ikinagulat ni Gray.

From now on, mind your own business. Yan dapat ang ginagawa mo, George.

-------------------------------------

Vote, share and comment.

---Ariesteller.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon