Conditions (Part 2)
“First and foremost, one of the conditions are…".
Kinakabahan ako!
Napakapit ako sa damit ni Gray na nasa kalapit ko na ngayon. Naramdaman ko pa ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko na pinagtuunan pa ng pansin. Kinakabahan ako sa conditions! Sana naman hindi mahirap.
“…Class Z student will have to participate. "
Participate? Participate saan?
“… .sa LIMANG challenges na ihahanda ng officials. You all will be challenged academically, mentally, and even physically."
Physically? Teka, so ibig sabihin--.
“Akala ko ba hindi niyo sila sasaktan? Bakit may pachallenge challenge diyan na physically?" tanong nung tatay ni Timothy.
Napatingin si Mrs. De Villa sa kaniya. “'Yung tinutukoy dito na 'physically' ay through sports, according sa nakalagay sa sulat na ito."
Nakahinga naman ako ng maluwag don! Akala ko bubugbugin na naman kami.
“Wait. There are 5 challenges?" Tanong ni Archer.
“Yes. Let me finish reading this." May diing wika ni Mrs. De Villa. “So, going back. Ang challenges na tinutukoy ay gaganapin kada buwan. Simula sa susunod na buwan, November."
November? E, next week ay november na e. Paano 'yan? Ang konti lang pala ng time ng paghahanda namin.
“… At the end of the month." dagdag niya pa.
Medyo nabunutan ako ng tinik sa lalamunan. Buti nalang at the end of the month lang.
“IF and only IF, you successfully win all those challenges or 3 out of those 5 challenges then you'll get your freedom."
So, kelangan lang naming manalo ng tatlo. Pero weyt, manalo? So, ibig sabihin may kalaban kami?
“Weyt, do we have opponents?" tanong ni Gray.
“Ofcourse! At kami ang magt-train sa mga kalaban niyo na manggagaling sa A at B." ngumiti pa si Mrs. De Villa nang mapang-asar.
“Bias talaga!" Pasaring ng mga egg warriors na nasa gilid gilid.
Nagumpisa na namang magbulongan. May mga magulang na hindi payag sa challenge na 'yon. Gusto pa nilang palipatin nalang ang mga anak nila pero todo tanggi naman ang mga egg warriors na 'to.
“Apo, kaya mo ba talaga?"
Nadako ang paningin ko kina Jacob na nasa may gilid namin. Hawak hawak pa nung Lola 'yung kamay ni Jacob.
“Yes, La! Ako pa ba? Paano naman ako magiging doctor kung susukuan ko 'to?" Ngumiti pa si Jacob sa Lola niya.
I can't help but feel motivated. Medyo kinakabahan ako kanina pero ngayon parang nawala upon looking at Jacob and his grandma.
May pinaglalaban kasi siya, si Jacob. At alam kong lahat kami ay meron din, we share the same goal. Gusto naming makagraduate. Kaya gagawin namin 'to. At kung malugmok man kami, madepress o mastress, iisipin lang namin kung bakit kami lumalaban.
Nilingon ko si Kuya na seryosong nakatingin sa una.
Lumalaban ako para kay kuya, kay mama, kay lola, para sa mga kaibigan ko.. At kay papa. Kahit hindi ko pa siya nakikita. Ipinangako ko sa sarili ko na kapag nagkita kami ulit, maayos ako. Successful ako at may ipagmamalaki ako.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...