Chapter 47

78 5 2
                                    

Heroine

I can feel their stares.

Naririnig ko din ang mga bulungan ng mga taga-main. Nagtataka sila kung bakit ganito ang itsura ko at kung bakit ako pumapasok sa main building.

"Grabe..."

"Nakakatakot siya!"

Nakakatakot ako? Ano pa kaya si Angel. Bigla nalang nahimatay. Ang galing galing niya talagang magkunwari. Tapos si Warren—nang madaanan ko siya sa infirmary kanina inirapan pa 'ko't sinamaan ng tingin.

Naiinis ako. Ni hindi man lang niya inalam muna ang totoong pangyayari. Basta nasaktan si Angel, ako na agad ang may kasalanan.

Ah, oo nga pala. Malakas nga pala ako sa paningin niya at si Angel 'yung kawawa. Kaya ganon niya nalang ako hinusgahan.

Pero tangina, porke malakas ako akala niya hindi ako nasasaktan? Tanginang 'yan. Bumilis ang paghinga ko sa inis.

"George? What happened to you?"

Malas.

Hindi ko siya sinagot. Tuloy tuloy akong naglakad patungo sa office ni Mrs. de Villa.

"George!"

Napahinto ako.

Bakit kelangan niya pa akong pahintuin? Gusto ko nalang makaalis agad dito sa building na 'to.

Matamang tiningnan ko siya.

"Nadapa lang ako." sagot ko na halatang hindi niya pinaniwalaan.

"Nadapa? Do you think i'd believe that?" giit ni Tristan. Tumataas ng boses niya.

"Nadapa nga lang ako."

Sinulyapan ko si Yvo na nasa gilid na nakatitig sa'kin, tila hinihintay ang palusot ko.

"Sinong may gawa nito? Class Z ba?" he frustratedly looked at me. "Sinabi ko na nga ba! Sinabi ko na nga ba sasaktan ka nila!"

Binitawan niya ang kamay ko. Tatakbo siya palabas?

"Saan ka pupunta?"

Baka pupuntahan niya ang Class Z? Shet. Agad na sumunod ako sa kaniya.

"I'll make them pay for this!"

"Teka Tristan! Hindi Class Z ang—."

Pinigil ni Yvo si Tristan sa paglabas ng building. He's holding Tristan's right arm.

"Let me go, pres!"

"Do you think i'll let you go there, make yourself a fool?"

Nakapanood lang ako sa kanilang dalawa. Nagwawala si Tristan. I can feel his rage.

"Look at what they've done to George!"

Itinuro ako ni Tristan. Bigla akong natigilan nang marinig ko 'yon sa kaniya. Yung boses niya, i may hinanakit don.

Bakit? Hindi naman siya 'yung nasaktan kundi ako pero bakit ganito siya?

"Hindi ako makakapayag na itrato nilang ganito si George! I will make them pay."

"Hindi Class Z ang may kasalanan."

Napatingin sila sa akin pareho.

"Sino? Sabihin mo sakin Georgina."

Lumapit siya sakin. I can also feel Yvo's gaze.

"Si Angel."

They didn't react for a second pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Angel. Paniniwalaan ba nila 'ko?

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon