Chapter 26

58 4 6
                                    

Sir Steve(Part 2)

“Ano ng nangyari kay Sir? Tulog pa din ba siya? Tingin mo, bakit kaya mag-isa lang dito si Sir Steve?" Napapaisip ako. “Kaya siguro hindi nakakapasok si Sir dahil may sakit siya. Pero wala ba siyang kamag-anak man lang? Mag-isa lang talaga siya dito e. Anlaki laki ng mansion ni Sir tapos siya lang dito, kung ako 'yan hindi ko makakayang mag-isa.."

Napatitig ako kay Zero na hawak hawak 'yung kamay ko. Siya pa mismo naglalagay ng ointment. Makulit masyado, sabing ako na.

“Parang kagaya ni Sir Steve si Lolo M no? Kung hindi siguro dumating si Spade tapos wala siyang mga maids, siguro mag-isa lang din si Lolo M."

Kawawa naman si Lolo kung nagkataong mag-isa lang siya.

“Pero tingin mo Zero?" Pagkausap ko sa kaniya na tapos na sa ginagawa. “Kapag nagkita kaya si Lolo M at si Sir Steve magkakasundo sila?"

Nac-curious ako. Zero looked at me, walang emosyon.

“Yeah." Aniya.

“Talaga?"

“Yeah, as long as they're not childish like you."

Childish? Pinagsasasabi nito?

“Hindi ako childish!"

Inagaw ko sa kaniya ang kamay ko. Sinamaan ko siya ng tingin.

“Yes you are."

Tumayo siya. Ako naman ay sumunod sa kaniya. He's heading in the kitchen. Napatakbo ako pauna sa kaniya. Yung niluluto ko! Kelangan ko pang ilagay sa lalagyan.

“Nasan ang niluto mo?"

Agad kong itinuro 'yung lugaw, proud na proud akong ngumiti sa kaniya. Lumapit siya don at saka kumuha ng kutsara, he's going to taste it.

“Anong lasa? Galing ko no?" Pagmamalaki ko pa.

Pinaghirapan ko 'yun, huh! Hirap na hirap akong maghintay para maging lugar 'yon.

“What is this again?" Tanong niya sa baritonong boses.

Naku, 'yun lang hindi pa alam. “Lugaw 'yan! L-U-G-A-W!Yan yung niluto ko nung may sakit ka--."

Napatigil ako sa pagsasalita nang kumuha siya ng pangrekado don sa lugaw. He added something to it. Bakit niya dinagdagan?

“M-masama ba lasa?"

He didn't answer me. Masama siguro ang lasa kaya niya dinagdagan ng mga rekado. Sayang, proud na proud pa naman ako don sa niluto ko tapos palpak pala.

“Taste this."

Hinipan niya muna 'yun bago itinapat sa bibig ko 'yung kutsara. Takang tiningnan ko siya. He's telling me to taste the new and improved lugaw niya.

“Hindi na siya mainit, here."

Sige na nga. “Uyy! Ayos na lasa ah!"

Tipid na ngumiti siya. Ngiting ngiting kumuha ako ng mangkok, lalagyan ko na si Sir Steve baka gutom na gutom na siya. Nakita namin kanina puro cup noodles 'yung nasa sahig.

“Galing mo din pala magluto no?"

Sumandok na ako ng lugaw. Kaso buset na impakto 'to, inagaw tapos siya nagsandok. Masyadong bida bida, hmp!

“I was taught by my mom."

“Ah, si mama mo. Ang galing--." Napatakip ako sa bibig ko, nanlalaki ang matang tiningnan ko si Zero. He's not saying anything, mukha naman hindi siya naiinis.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon