Chapter 19

42 2 1
                                    

History

“Sinong girlfriend ko ang tinutukoy niyo?"

Naglakad palapit sa amin si Spade. Puno ng pagtataka ang mukha niya. I don't know what to say. Nang tingnan ko si Warren ay tila natuod siya. Pero kita ko 'yung pagkuyom niya ng kamao.

“George. Tell me."

He look at me. Napalunok ako. “Si Angel ang tinutukoy ko."

Mas lalo ikinuyom ni Warren ang kamao niya samantalang rumehestro ang gulat sa mukha ni Spade.

“What? Who told you that?"

Bakit ganito ang reaction niya? It's as if hindi niya alam na girlfriend niya si Angel.

“She's not my girlfriend--SHIT!"

Hindi ako agad nakakilos. Sinuntok ni Warren si Spade. Punong puno ng galit 'yung mata niya. Parang sasabog na si Warren. Napahandusay si Spade pero agad ding nakabangon.

“Akala ko ba nagkaintindihan na tayo?" Gigil na tanong ni Warren kay Spade. “Ang sabi mo sa'kin hindi mo siya nililigawan, 'diba?"

“Yes." Sagot ni Spade, magsasalita pa sana siya pero hindi na siya pinatapos ni Warren.

“Then bakit malalaman laman ko na girlfriend mo na siya? Ano 'to lokohan?"

Gulong gulo ang itsura ni Spade. He's absorbing all the things na sinasabi ni Warren. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko magawamg sumingit dahil hindi ko alam kung anong nangyayari.

She's Spade's girlfriend but then there's Warren na liligawan siya. At ngayon tinatanggi ni Spade na girlfriend niya si Angel. Ano ba talaga.

“Hindi ko siya girlfriend. Maniwala ka sa'kin, dude." Mukhang pinipilit nalang ni Spade pakalmahin ang sarili niya. “I just saw her nitong nakaraang araw but that's just it. After all those years, I haven't had connection with her."

“Sinungaling."

“Listen to me." Pilit na hinahawakan ni Spade ang balikat ni Warren pero lumalayo 'to. Ayaw niyang makinig. “I am telling the truth. Wala akong nararamdaman para sa kaniya."

Walang feelings si Spade kay Angel? Pero bakit nung nagkita sila sa mall sobra siyang magcare? Angel even said 'I missed you' to him.

“Really? Ang hirap mo naman paniwalaan." May hinanakit sa boses niya.

Tila nacaught off guard si Spade. He know what he means. Nangangati na 'kong makisingit. Gustong gusto kong magtanong.

Warren. Trust me--."

“Paano kita pagkakatiwalaan? Remember, two years ago? Alam mo na nililigawan ko si Angel tapos biglang pinopormahan mo pala?!"

O_O

Nanlaki ang mata ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Hindi ko siya pinopormahan." Giit ni Spade.

“Talaga? Hinalikan mo nga e! Tapos sabihin mo hindi mo pinopormahan--."

“I already explained it to you dati pa she's the one who kissed me. I didn't initiate that kiss!"

Shet. I can't. Hindi maabsorb ng braincells ko lahat ng sinasabi nila. Kiniss ni Angel si Spade? Tapos liligawan ni Warren non si Angel. Nag-away sila 'yon ang malinaw, pinag-awayan na nila 'to dati pa.

Warren scoff. “Damn you!"

“Why do you have to bring it to me now? It's already in the past. Nagkaayos na tayo, diba? Why now?" Naiinis na rin si Spade. Tumataas na ang boses niya.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon