Chapter 20

42 2 2
                                    

History (Part 2)

"Dahil kay Angel? Seriously, Warren?!"

Nangibabaw ang sigaw ni Timothy sa buong silid. Napapikit ako dahil don. Nandito kami sa may underground na part ng resort ni Lolo M, nandito lahat. Pinapauwi na ni Lolo ang ibang egg warriors kanina pero hindi sila umuwi nang malan ang nangyari.

"Hindi mo ko naiintindihan." Madiing wika ni Warren. Parang wala siya sa sarili. Pinaglalaruan niya ang kaniyang mga daliri, hindi mapakali. Puno ng emosyon na tiningnan niya si Timothy. "Nasaktan ni George si Angel dapat lang na magsorry siya. At si Spade.. Kaya lang naman ako nainis sa kaniya dahil akala ko nililigawan niya si Angel--."

"Dude, pwede tama na?"

Napatingin kami kay Zedrick na nagsalita.

"Puro ka angel, nasasaktan si angel, kawawa si angel. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya? O nagbubulagbulagan ka na naman?"

Ano bang ginawa ni Angel? Gustong gusto ko na magtanong.

"Move on naman! Nagsorry na nga 'yung tao!" Giit ni Warren, napatayo na siya.

"At sa'yo enough na 'yon?" Corine scoff. "Si George nga na wala namang kasalanan, nadamay dahil sa lintik na trust issues natin na si Angel ang may kagagawan. Si George nga hindi natin agad natanggap tapos si Angel, move on nalang? Pag sa kaniya tanggap nalang? Are you insane?"

"Guys, please."

Hindi na ni Warren alam ang gagawin. Everyone is against him. Maski ang mga kaibigan niyang sina Zedrick.

"I can't believe nagkakaganyan ka dahil sa kaniya." Ani Jacob, sa tono niya hindi siya makapaniwala.

"Pre, hindi ganon kadaling magmove on." - Achylis.

Napaupong muli si Warren. Pinagtutulungan na siya ng egg warriors at sa itsura niya marahil tinatanong niya sa sarili niya kung bakit naging ganito ang kinalabasan.

"I can't believe you. Sinaktan mo pa si George at si Spade. I can't believe what you did." Ani Nadya. She helplessly look at Warren.

Napabuntong hininga ako. Nandito ako sa may sulok na part. Samantalang pinapalibutan nila si Warren don.

Nalaman nilang lahat na nakipagkita ako kay Angel, sa tulong na din ni Kin. At hindi sila natuwa dahil sa ginawa ko. Sinesermonan ako nina Tim kanina, isama pa si Gray. Hindi nalang ako nagsalita.

"Here."

Inabutan ako ni Wavin nang isang basong tubig. Agad kong ininom 'yon. Naupo siya sa may tabi kong upuan.

"You should've told us what happened."

As expected. Sinesermonan din ako ni Wavin. Tumango tangp ako sa kaniya.

"Naintindihan ko. Sorry." Sagot ko.

"Just don't do anything dangerous next time." Seryoso niyang wika. Naramdaman ko ang kamay niya sa ulo ko. Napalingon ako sa kaniya. Nakangiti siya pero kitang kita sa mata niya ang pag-aalala. "Tigas talaga ng bungo mong panget ka."

"Sorry."

Napayuko ako. Ginulo gulo niyang lalo ang buhok ko.

"Naitext mo na ba kuya mo? Maghahalimaw na naman 'yon." Aniya.

Natawa ako bigla bago napatango. "Kanina pa."

Bumukas ang pinto. Nandito na sina Lolo M. He's with Archer, Gray, Kin, Zero and Spade. Nagsitahimikan ang lahat. Lumapit si Lolo M sa kumpol ng egg warriors.

Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon