Meeting
"Hey. Listen up."
Mabilis na itinigil namin ang ginagawa at saka tumingin kay Archer na nasa unahan. Saktong nagsalita siya ay ang pagdating nina Zero at Gray.
"We..the officers were invited at the main campus for a meeting."
Meeting? Anong meeting naman yon?
"Officers lang? Why di kami kasama?" Nagmamaktol na tanong ni Corine.
"It was an order. They say that it is mandatory for the officers to attend."
Ano na naman kayang pakulo yon? Teka, gisingin ko nga muna tong dalawang 'to.
"Wavin, Tim."
Nilakasan ko na tapik sa balikat nila, wa-epek pa rin. Tulo laway pa.
"Psst! Gisingg."
Medyo napapalakas yung boses ko kaya napapatingin yung iba. Walangyang yan. Kung ano ano kasing ginawa kagabi kaya puyat ngayon.
"Hoy! Kayo ba ay namakla ha? Inakayo ha, gisinggg."
Ayaw talaga. Umuungot lang sila pero hindi naman nagigising, ni hindi minumulat yung mata. Psh, bahala na nga sila.
Nagfocus nalang ulit ako sa unahan.
"So, what i'm saying is that, are we going or not?"
Humarap si Archer kay Zero at Gray. They both stare at him. Mukhang nag-iisip sila.
"May sinabi pa ba silang iba?" Tanong ni Kin na nasa dulo.
"None. They just told me that there's a meeting later this afternoon and the ssg officers are the head of the meeting."
This afternoon? E, wala na pasok mamaya ah.
"Wala na pasok maya diba?" Tanong ng isang egg warriors. "Bakit naman sila magpapameeting?"
True. Agree. Kahina-hinala naman 'yon.
"Atsaka bakit sila ang head ng meeting? Dati naman kahit program ng SSG officers, nakikisali si Mrs De Villa ah. Siya yung nagiging spokesperson."
"Obviously it's a trap." Sagot ni Zero. "They are just tricking us."
"I agree. Hindi naman nagpapatawag ng meeting kapag walang pasok."
"So, we are not going?"
"Yeah."
Tumango tango si Archer.
"I'll inform Tristan."
One call away nga lang pala siya sa step brother niya. Kahit hindi sila masyadong naguusap mukha namang magkasundo sila.
Ang sabi nila is mandatory raw. Hm. Kaso ang hirap nilang paniwalaan minsan, lalo na't SSG ang nagpapameeting. Baka kung ano na naman yon. Nabugbog pa naman ako dati don.
Anyways, two weeks nalang mahigit bago magsecond challenge. December na ngayon. At hindi pa rin namin alam kung saan patungkol 'yung second challenge. Wala man lang announcement.
"What happened to them?"
Lumapit si Gray at saka ihinarap ang bangko sa may part namin. Magkakatabi kasi kaming tatlo nina Tim, pinagtabi namin yung dalawang mesa tapos yung tatlong bangko. Pero ako yung nasa gitna.—_—
Tulo laway pa.
"Ewan ko nga e. Ano ba kasing nangyari kagabi?"
Tila nag-isip pa si Gray bago sumagot. "I don't remember anything. Wala naman silang pinuntahan kagabi."
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...