Lecture
“Kuya, paabot naman nung gatas--*ACHUUUU!*"
Napasinghot ako. Ang sama ng pakiramdam ko! Mula pagbalik namin kahapon nina Kuya ay hindi na 'ko tinigilan ng sakit ng ulo, idagdag pang bigla akong nagkasipon.
“This is all his fault."
Nakakuyom ang kamao ni kuya. Hindi ko siya maintindihan, sino bang pinatutungkulan niya? At saka 'yung gatas!
“Mamaya ka na magdrama diyan, abot mo muna gatas. Late na 'ko e!"
He glared at me. Napanguso ako bago napahalukipkip. Al niyo yung feeling na gustong gusto niyo nang maggatas at makatikim ng mainit tapos may eepal na panot?
“Kasalanan 'to ng Zero na 'yon!" Nagmamaktol na aniya habang inaabot sa'kin 'yung gatas. Nadamay bigla si Zero. Mukha tuloy siyang alien sa paningin ko.
“Kuya, ano bang sinasabi mo?" Tanong ko habang nagtitimpla.
“Hindi ka magkakasakit kung hindi dahil sa kaniya!"
Eee? “Hindi naman siya 'yung ulan, ba't siya ang sinisisi mo? Tsaka sipon lang 'to. May gamot naman diyan. Hindi na naman masyadong masakit ang ulo ko."
“Kasalanan niya 'to!"
Napangiwi ako. Hindi naman ako pinapakinggan nito ni kuya. Bahala nga siya diyan. Bigla biglang nagagalit at nagmamaktol. Dapat nga matuwa pa siya kay Zero dahil tinulungan kami kahapon at isinabay kami pauwi. Saktong may kotse siyang dala. Pahirapan pa 'kong higitin si kuya pasakay.
Ni hindi nga nagpasalamat pagkababa basta nagmamaktol na pumasok sa bahay. Nakakahiya tuloy don sa isa.
Late na 'ko. At dahil late na 'ko, hindi na 'ko tumakbo. Natutunan ko 'yon kay Zero kahapon kaya kapag tinanong ako mamaya kung bakit ako late, sasabihin ko kasalanan ni Zero hehe.
Anyways, ay dala na akong jacket. Nakakahiya naman kung makikihati ako sa jacket ng mga 'yon, ninipis din naman ng katawan.
Napalingon ako sa main building na nadaanan ko. Hindi na talaga nawawala 'yung bantay sa mini gate nila. Sigurado akong nandyan na din sina Angel at Yvo. Hindi ko na sila nakikita at 'yon siguro ang dapat kong ikapasalamat. Hindi ko alam kung paano ko sila pakikitunguhan kapag nakita ko sila ngayong alam ko na 'yung nangyari two years ago.
“Noburi."
Kahit hindi ako lumingon, alam ko na. Pero syempre lumingon pa rin ako para makasigurado. At tama nga 'ko. Prenteng prenteng naglalakad 'yung impakto. Para siyang mafia boss na biglang kinuha para magmodel. Ewan ko ba sa tuwimg titingnan ko si Zero 'yun ang palagi kong nakikitang image sa kaniya. Ansama niya kasing tumingin e. Idagdag pang kahit nakauniform siya mukha pa din siyang leader ng mga gangster.
“Late ka din?"
“Isn't obvious?"
Napakamot ako sa ulo. Tinatanong lang e, psh.
“Ba't ka late?" Tanong kong muli. Magkasabay na kami ngayong naglalakad.
“I should ask the same question to you, why are you late?"
“Binalik mo lang tanong ko e! Ba't ka nga kasi late!"
Ginagalit ako ng impaktong 'to. Bakit ba kasi hindi nalang niya sagutin ang tanong ko ng maayos? Tatanong ako tapos tatanong din siya, sinong magaadjust? Aba, mataas pride ko hmp.
“Grumpy."
Lumapit ako sa kaniya at saka siya siniko. Ang nakakainis wala man lang siyang reaction. Psh.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
SaggisticaNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...