Representative
Nakakapaisip mga pinagsasabi ni Sir, kung ano ano. Annoying kami just like him, sino 'yung 'him'? Yung greg ba na nabanggit ni Sir? E sino si Greg? Kapatid, kaibigan, kababata or… jowa ni Sir dati? Aissh! Napatampal ako sa noo. Ano ba 'tong iniisip ko. Si Sir naman kasi nakakapagoverthink ang mga sinasabi.
“Sinong nakaisip ng idea na 'to?"
Napabalik ako sa reyalidad. Kaharap nga pala namin si Sir Steve. Tapos na siyang kumain at uminom ng gamot. Actually, tapos na djn lahat sa kani-kanilang gawa. Nandito kami sa may room ni Sir Steve, chinichika siya.
“Kami pong lahat."
We all looked at Sir. Huwag mong sabihing makikipagtalo na naman si Sir tungkol sa pag-aakyat bahay namin sa bahay niya. Pumayag na siya kanina e. Akala ko makikipagtitigan nalang si Sir pero maya maya lang ay bumuntong hininga siya. Sign siguro 'yon na sumusuko siya.
Hindi na siya nagtanong after non, marahil ay masama talaga pakiramdam niya kaya hindi na siya nakikipagtalo.
“Sir."
Napatikhim ako na siyang ikinatingin ng lahat sa akin.
“Kayo lang po ba ditong mag-isa?"
Kanina pa ako nac-curious. Oks lang naman sigurong magtanong.
“Yeah."
Napatango tango ako. Kaya pala ganon itsura ng kwarto ni Sir kanina. Wala pala talaga siyang kasama. Tapos ang laki laki pa ng bahay niya.
“Ay sir!"
Kelangang sumigaw, Tim?
Maang na napatingin ako kay Timothy, nakataas pa ang kamay niya. Mukha namang naguguluhan si Sir Steve sa biglaang pagtawag ni Timothy.
“Sino po si Greg?"
Napaawang ang labi ko. Yun ang next na itatanong ko e! Naunahan naman ako. Nacucurious din pala sila don sa Greg na tinawag ni Sir kanina, akala ko ako lang.
“AY SINO 'YUN?!" - Wavin.
Sir Steve looked caught off guard and I don't know why.
“Anong greg ang sinasabi niyo?"
Naniningkit ang mata ko kay Sir Steve. Mukha namang nagmamaang-maangan lang si Sir.
“Nakinig namin 'yon!" ani Tim.
“You call someone named Greg." Ani Zero.
Nagpapay attention din naman pala 'yung impakto sa nangyayari sa paligid niya. Akala ko lampake vibes lang siya palagi.
“Sabihin niyo na sir, hindi ako magagalit promise!"
Pinanlakihan ko ng mata si Timothy kaso talagang makapal ang mukha niya. May papretty eyes pretty eyes pa kay Sir, nakikichismis lang naman. Chismoso, amp.
“Greg is…"
Greg is?
“Greg is…" pagulit ni Sir. Binibitin pa ni Sir e!
“Who is he?" Ani Kin.
“Greg is my rival."
Greg is his rival? Maang na napatingin ako kay Sir Steve. Wala man lang tumama sa hula ko! Rival pala ni Sir si Greg.
“Romantic Rival?" Tanong ni Gray, sumulyap pa sya kay Zero nang magsalita.
“He's my rival on everything." Ani Sir Steve sa baritonong boses.
BINABASA MO ANG
Class of Morpheus Season 2 [ ON HOLD ]
Non-FictionNoblesse High The school that she transferred to── eskwelahan kung saan niya naranasan ang hindi pa niya nararanasan. She met a lot of people, mga kaibigan lalo't higit ang mga kaaway. Sa pagdaan ng araw, will she be able to find strength para magp...