HATE 2: 'Siomai'

822 29 10
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

HATE 2: 'Siomai'

Naglilibot akong magsolo sa second floor ng mall nang bigla akong napatigil sa tapat ng isang book store. May bagong mga aklat kasing nakaagaw ng pansin ko. Papasok na sana ako sa loob ng book store ng walang anu-ano'y may bumangga sa likod ko.

"Lintyak ka! Mukha ba akong pader para bangain mo?" Ang sabi ko habang lilingunin pa lamang ang nambangga sa akin. Inis na inis pa naman ako dahil iniwan ako ni Aireen para sa paborito nyang siomai. Ang siba! Mag-isa tuloy ako dito sa second floor ng mall, wala pa man din akong makausap. Nasa first floor kasi siya dahil nga bumibili ng bwiset na 'yon.

Namumula na yata ako sa galit nang mapatingala ako sa taong kaharap ko. Nanliit tuloy ako. Ang tangkad nya pala.

"Kung pader ka, sigurado akong hindi kita babanggain. Saka wag kang basta-basta titigil kung ayaw mong mabangga.." Ang pamimilosopo nya. Bastos talaga. May naghalakhakan pa sa likod niya, hindi ko na lang pinansin.

Pumula ang pisngi ko, hindi 'yun dahil nagagwapuhan ako sa kanya, iyon ay dahil sa inis na dinagdagan pa nya.

"Sorry, hindi kita napansin." Sarkastiko niyang sabi. Nakangiti pa siya na parang nang-aasar pa. Lalo pang sumiklab ang inis ko na naging galit na nang dahil dun.

"Ganun? So ipis na ang peg ko sa'yo?" Tumango siya at tumawa. Nakapagtitimpi pa naman ako kaya hindi pa nagana ang kamay na bakal ko.

Napailing na lang 'yung mga kasama niya at umalis na. Alam na siguro nila ang mangyayari kapag hindi pa nila ginawa iyon.

"Ikaw ang may sabi nyan." Umalis siya at sinundan na siya ng dalawa nya pang mga alagad. Leche talaga ang kawayang 'yon! Hindi ko na siya nagawang habulin dahil sa inis na nararamdaman ko.

Kapag tinamaan ka nga naman nang kamalasan! Sa lahat pa nang makikita ko ay siya pa. Haistt... Lalong kumukulo ang dugo ko.

Nang makalayu-layo sila, napansin kong may isang babaeng humahagibis ng takbo at ang worst thing na nangyari ay ang may mabangga siya.

Naririnig ko ang paulit-ulit nyang pagsosorry. Mukhang natapunan nya yata ng kapit nyang siomai ang kasalubong niya. Napakacareless kasi. Tanging ang pag-iling na lang ang nagawa ko.

Nilapitan ko sila at tama nga ako, ang impaktong kawayan ang natapunan. Aktong magsasalita na si Kawayan ng sumingit ako. Ewan ko kung galit siya o wala lang 'yung nangyari pero walang makapipigil sa akin! Gera na ito! Whahahaha...

"Ano! Anong gusto mo? Away o gulo?!" Ang sigaw ko na parang ang tapang-tapang ko. Pinsan ko nga pala 'yung careless na babae. Mabuti nga sa kanya at natapunan siya ng toyo. Mukha na siyang taong grasa! Ang dungis-dungis na niya.

Tinawanan lang ako ng hanimal! Ni hindi man lang natinag sa mga sinabi ko.

"Bakit? Naliliitan ka ba sa akin?" Mukhang naghahanap talaga ng away ang isang 'to. Pagbibigyan ko siya!

Tumingkayad pa ako para tumangkad ng konte. Walang tigil sa panginginig ang kamay ko. Nakakapanggigil kasi dahil kanina nya pa ako pinagtatawanan. 'Mukha na ba akong clown para umasta siya ng ganu'n?' Yung mga kasama niya rin ay nagtatawanan na, maliban dun sa isa na napakaseryoso pa rin ng mukha.

Lalo siyang nagtawa sa reaksyon ko. Pesteng 'to! Di man lang natinag, porke't matangkad siya. Bwiset!

"Hindi naman sa ganu'n, Ms.." Ang sabad ng kaibigan nya. In fairness, mukhang matalino at may modo ang isang 'yun, hindi gaya ng bakulaw sa harapan ko.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon