143 (I FIND YOU)

248 19 1
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

143 (I FIND YOU)

Hoy, steffyeol, ito na yung request mo... Nakatapos na akong mag-enrol ngayon araw.. Hahaha.. Sa monday na lang ulit tayo magkwentuhan.. Pakicomment nung mga feedbacks mo, ha.. hahaha.. Naspecial mention pa tuloy kita..

-Anneriche ♡♡♡

On Ruth Ysabelle's POV

Wala namang nagbago sa akin mula nung malaman ko kay Tita Angelika na aalis sila ng bansa maliban na lang nung malaman kong si D.J. ang pinsan ko at nung graduation ay naconfirm kong siya din si Angelo. Totoo pala ang panaginip ko few month before bakit hindi ko kaagad nalaman 'to. Mukhang nagulat din siya sa nalaman namin kaya alam kong ngayon nya lang rin nalaman ang totoo. Sayang lang dahil ipinagtapat na sa akin ni Krishna na akong ang mahal ni Angelo at na nagpanggap lang sila para kay Dale.

Hindi ko na lang ipinahalata sa lahat ang sakit na naramdaman ko nung mga panahong iyon. Akala ko, magiging maayos kami kahit sa panaginip ko lang pero hindi pa rin pala. Hindi ko siya pwedeng pangarapin dahil sa masaklap na katotohanang 'MAGPINSAN' kami. Incest 'to kung magkakataon.

Mukhang nakahalata si Tjay kaya hinatak nya na ako bago pa ako mapaiyak ng tuluyan. Pinauna nya na si Krishna kasama ang Mom at Dad nila. Si Aireen naman ay inaya na si Lola at sina Nanay kaya kami na lang ang naiwan sa may parking. Dala niya din 'yung kotse niya kaya nangako na lang siyang siya na ang maghahatid sa akin pauwi.

"Mukha ka lang malakas dahil takot kang umiyak sa harap ng ibang tao." Ang sabi nya habang hinahaplos ang mukha ko.

"Sa harapan mo lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob para umiyak."

"Okey lang. Nandito lang naman ako parati para damayan ka sa lahat." Alam kong nasasaktan siya kapag umiiyak ako kaya nga binabalaan ko na siyang huwag na akong mahalin dahil para lang siyang unti-unting magpapakamatay kapag patuloy niya akong minahal pero mas matigas ang ulo nya sa akin kaya minahal nya pa rin ako kahit TOXIC lang ako sa halos perpektong buhay nya.

"Masasaktan ka lang kapag ipinagpatuloy pa natin ang pagpapanggap. Tutal, mawawala na si Angelo kaya pwede mo na rin akong iwanan."

"Alam ko pero ginawa ko. Sa umpisa pa lang, nahulog na ang loob ko sa'yo kaya pinilit kong huwag kang mahulog sa akin. Takot akong i-risk ang friendship natin noon pero mas natakot akong masaktan kita." Umiling siya. "Pero ngayon, hinayaan ko ang karibal kong saktan ka. Di ba ang tanga ko? Ang tanga ko dahil ako ang dahilan kung bakit ka napalapit sa katulad nya." Umiwas siya ng tingin na para bang guilty-ng guilty sa lahat ng ginawa nya.

"Hindi mo kasalanan. Kung lumayo lang sana ako sa kanya, hindi sana ako nagkaganito, hindi sana ako aasa sa lalaking may iba nang mahal at hindi maaaring maging akin dahil pinsan ko pala siya." Napaiyak na lang ako kahit gusto kong matawa. Alam ko nang walang relasyon si Krishna at Angelo.

Natuwa ako ng malaman ko iyon mula sa sulat ni Krishna pero mas malala pa pala ang matutuklasan ko ngayon, pinsan ko pala ang taong mahal ko. Isn't it funny?

Pinaglalaruan yata kami ng mundo. Sa tingin ko nga ay pumayag si Jelo na umalis sila ng bansa para makalimutan ako. Para na rin matigil ang kahibangan ko at para na rin sa ikatatahimik ng lahat.

"Sana ikaw na lang ulit pero hindi ko na kayang may masaktan pang iba. Ayaw kitang paasahin sa bagay na walang kasiguraduhan kung babalik pa. Let's stay being bestfriends." Ang turan ko.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon