COMPLICATED 4: 'Camera'

307 19 22
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

COMPLICATED 4: 'Camera'

Hi, EmzBigornia. Thank you for supporting this story! Love lots! ;) <3

ON DYLAN ANGELO'S POV

Patuloy lang kami ni Cassandra sa pagpapanggap. Kahit na alam nyang nakabalik na ang kaagaw ko sa babaeng mahal ko, ang kapatid nyang si Joseph.

Pinagmamasdan ko sila araw-araw kahit nasa malayo ako. Pinipilit kong maging okay kahit masakit na masakit na. Alam nyo 'yung pakiramdam na parang pinapatungan ng mabigat na bagay ang puso mo at unti-unti nang kinikitil ang paghinga mo? Iyon ang pakiramdam ko ngayon kasi magkasama na naman sila at nakita ko na naman ang kakaibang ngiting iyon. Walang tunog pero ramdam mong masaya talaga siya. Naisip ko tuloy kung may sense pa ba na lumaban ako kahit alam kong gatuldok na lang ang tyansang maipapanalo ko ang labang ito?

Lalo na kapag nakikita ko siyang masayang masaya katulad ngayon.

"Babe, wag ka nang malungkot." Ang sabi ni Cassandra.

"Hindi ako malungkot, nagluluksa lang." Umiling-iling siya. Ang abnoy kasi ng sagot ko.

"Jude Lim..." Pinutol ko siya.

"Shhh... Wag kang maingay, baka may makarinig sa'yo. Maraming tao dito sa court." Nanunood kasi kami ng liga at isa na naman si Belle sa technical commitee. Maraket kasi ang babaeng 'yon at mukhang kahit si Joseph ay hindi siya kayang pigilan.

Umakyat ng stage si Joseph at may iniabot kay Belle. Isang Kwintas. Noon ko lang napansin na suot nya pa rin pala hanggang sa ngayon ang kwintas na ibinigay ko kapalit nung bracelet na naiwala nya.

Sinabi ko lang na galing kay Cassandra ang kwintas kahit na ang totoo ay personalize iyon at ipinagawa ko pa sa abroad para lang sa kanya.

Ngumiti si Joseph habang tinatanggal ang kwintas na ibinigay ko. Ngayon lang ako natalo ng ganito. MASAKIT palang matalo sa isang bagay na mahalaga para sa'yo. Ngayon ko lang napagtanto ang lahat dahil ngayon lang ako natalo ng KARIBAL ko.

"Cass, ang sakit pala, ano?" Para akong sinasaksak ng makita kong itinapon lang ni Ysabelle ang kwintas na ibinigay ko. Napag-isip isip ko tuloy, ganu'n ba ang halaga ko para sa kanya? Isang BASURA.

Inaya ko na pauwi si Cassandra bago pa ako tuluyang manghina. Mukhang kailangan ko nang sumuko kahit hindi pa nag-uumpisa ang laban dahil TALO na ako.

"Dylan... Sa'n ba tayo pupunta?" Ang tanong ni Cassandra.

"Sa lugar kung saan wala nang sakit at mamamanhid ang lahat ng pandamdam ko." Pasimpleng sagot ko.

"Wag kang mag-alala. Kahit kapatid ko si Joseph, magusto kita para kay Belle.." Ang sinabi nya na nagpaluwag sa nararamdaman ko.

"Salamat. Sana nga ganyan din ang nararamdaman nya. Sana nga, gusto nya ako." Mapait akong ngumiti habang umaasa ng himala mula sa kalangitan.

"Kung para talaga siya sa IYO, agawin man siya ng iba, babalik at babalik pa rin siya sa kung sino talaga ang para sa kanya."

Salamat sa kanya dahil kahit papaano ay may nakakapitan ako. Kahit papaano ay lumulubag ang loob ko.

"Sana para sa akin nga siya. Pero kung hindi man, sana maging masaya siya."

"Napakaselfless mo pa rin talaga kahit kailan. Alam mo bang iyan ang pinakaayaw ko sa'yo? Ni hindi mo inisip ang sarili mo kahit minsan. Palagi mong inuuna ang mahal mo bago ang iba at ang iba pang tao at panghuli, saka mo palang iisipin ang sarili mo." Niyakap nya ako at hinimas ang likuran ko. Hindi ko siya niyakap pabalik at hindi na ako nagsalita pa. Sapat na para sa akin ang malaman na may humahanga sa pagmamahal na kaya kong ibigay para sa taong minamahal ko ng totoo.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon