SPECIAL CHAPTER 3:'It's Complicated'

365 18 4
                                    

Hindi kita 'CRUSH'! Period.
©Anneriche'

SPECIAL CHAPTER 3: 'It's Complicated'

On DYLAN ANGELO'S POV

Hi there, Mallow24!

Nang dahil sa DEAL na iyon ni hindi ko man lang masabi ang feelings ko sa taong minamahal ko. Hanggang paramdam lang pero hindi niya maaaring malaman hanggang marami pang gusot sa lahat ng bagay sa paligid namin. Kapag siguro plantsado na ang lahat saka ko na lang sasabihin pero hindi ko alam kung nandyan pa siya. Lalong hindi ko alam kung may pag-asa ako sa kanya dahil alam kong sa umpisa pa lang ay panalo na ang kalaban ko at dehadong-dehado na ako.

Nagkita kami ni Cassandra dito coffee shop malapit sa university, aksidente lang kung paano kami nagkita, medyo nagulat pa nga ako dahil ang bilis niyang nakabalik at kasabay noon ang pagtupad ko sa kasunduan naming dalawa na tutulungan ko siyang makipagbalikan kay Dale, ang ex-boyfriend niya na mahal na mahal niya kaya niya ako iniwanan noon.

"Dylan..." Ang pagtawag niya sa akin at kinakawayan niya pa ako. Napatingin ang karamihan sa mga tao sa coffee shop dahil sa ganda niya. Model kasi siya kaya given na kung maging center of attraction siya palagi.

"Kanina ka pa ba dito?" Nagtatakang tanong ko. Ang buong akala ko kasi ay nasa America pa siya kasama ni Joseph.

"Hindi naman. Mga 10 minutes pa lang." Nakapagtataka, paano kaya siya napadpad sa lugar na ito. At bakit dito pa niya naisipang pumunta, hindi na lang sa mall na favorite place niya?

Napansin kong tumungo sya ng bahagya, madalang nya iyong gawin at mukhang alam ko na ang sasabihin niya.

"Sorry, Dylan, but I need you this time." Medyo nahihiya pa siya sa akin. Tama nga ako. "I need my boyfriend back. Mahal ko pa din siya."

"Cass, its been years. Malabo na kayong magkabalikan." Nag-aalangan kong tugon. Kinapitan nya ang braso ko.

"That's why, I need your help, pretend to be my boyfriend." Tiningnan nya ang mga mata ko na wari ba'y nagmamakaawa. Alam na alam nyang hindi ko siya matitiis.

"Oo na. Sige. Tutulungan kita, I will pretend as your boyfriend." Labag man sa loob ko ay gagawin ko.

"But first, kailangan na ako lang muna ang babae sa buhay mo para maging kapani-paniwala."

Natunganga ako sa sinabi nya. Gusto kong magreklamo o umangal pero nauunahan ako ng salitang 'Utang na loob' dahil alam kong marami ako nu'n sa kanya.

"So, dahil pumayag ka na, from this day onward, magiging boyfriend na ulit kita." Niyakap nya ako at saka bumulong. "Thank you.."

"I'll promise, pagkatapos nating gawin 'to, gagawin ko ang lahat para mahanap mo ang taong para sa'yo." Matapos ang mahabang kwentuhan namin na inabot din naman ng ilang oras ay napagpasyahan na naming maghiwalay. Hindi na siya nagpahatid sa akin dahil may pupuntahan pa siya.

Nagpunta ako sa laboratory ni Herald dahil nabalitaan kong nasunog daw iyon.

"Pare, kamusta na 'yung samples mo para sa thesis mo?" Napailing na lang siya.

"Ang mahal nu'n, bakit mo pinayagang maabo lang." Sabat naman ni Joshua.

"Pare, aksidente lang ang nangyari."

"Sana nga, aksidente lang." Napailing na lang ako.

Hindi ko maiwasang mag-isip na may isang taong responsable sa pagkakasunog ng laboratory ni Herald. Napakabilis naman kasing matupok ng apoy at kapag pinag-aralan mo, parang inside job ang nangyari.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon