SPECIAL CHAPTER 2:'The STORY Behind That NAME'

229 21 11
                                    

Hindi kita 'CRUSH'! Period.
©Anneriche'

SPECIAL CHAPTER 2:

'The STORY Behind That NAME'

Hi kay adiksayo0204! Thank you for following me. Hope you enjoy reading my stories! Love lots! 😊🌷

ON DYLAN ANGELO'S POV

Nag-ugat ang confusion sa pangalan ko dahil sa disagreement ng mga Lim at nang mga Gil. Pumayag si Lolo na ikasal si Mommy kay Dad kahit na ang pamilya ni Dad ang pinakamatinik niyang kaaway sa negosyo. Bukod pa roon, hindi matanggap ni Lolo na nabuntis ni Dad ang unica hija nya kaya hindi nya hinayaang ipangalan ako ni Mom kay Daddy kahit kasal sila.

Pero dahil magulo ang pag-iisip nang Lolo ko ay napapayag naman siya ni Daddy, after nga lang nung plane crash, na naging sanhi ng pagkawala ni Mom.

"I'm not doing this for you, Gil. Its for my daughter's sake na dapat ay dati ko pa pinagbigyan." Ginawa nya lang raw ang bagay na 'yon para makabawi kay Mommy.

Kaya sa isang iglap, ang Dylan Jude Lim na nakasanayan ko na ay napalitan ng Dylan Angelo Gil na gustong ipangalan ni Dad at Mom sa akin magmula nung ipanganak ako.

Pasikreto ko pa ring ginagamit yung una kong pangalan kapag gusto kong magmukhang misteryoso at nagtatagumpay naman ako dahil wala pang ibang nakakaalam na ako si Jude maliban sa mortal kong karibal sa lahat ng bagay pati na sa puso ng babaeng mahal namin-- si Joseph Lee.

Wala siyang pinagsasabihang kahit na sino at tiwala ako sa mokong kahit naiinsecure pa rin ako kahit alam kong mas matalino at mas gwapo ako sa kanya. Itanong nyo pa kay Manang Baby, nagsasabi ako ng totoo.

Matagal ko na ring kakilala si Joseph kahit pa nung nasa States pa kami. Doon kasi kami nag-prep., at nag-aral hanggang mag-grade 5 kami. At destiny na yata namin na maging magkaribal sa lahat ng bagay dahil pareho kaming napilitang magmigrate sa Pilipinas. SIYA para daw maranasan ang buhay sa hirap at AKO naman ay dahil gusto ni Mom na dito ako sa school nya mag-aral para daw makita ko kung anong meron ako.

Actually, hindi naman talaga kami magkaaway nitong si Tjay. Ang totoo ex-bestfriend ko ang isang iyan. Nagkasira lang kami dahil iisang babae lang ang minahal namin dati at ngayon, ganu'n na naman ang problema namin.

Matagal na kaming magkakaibigan. Sabi ko nga, simula preparatory, magkakakilala na kami. Classmates ko sila.

Si Dale, Herald, Joshua, Joseph at Ako. Mythical 5. Elementary pa lang kami, iyon na ang tawag sa amin. Nasa amin na raw kasi ang posibleng hinahanap ng lahat. Mayayaman. Matatalino. Talented at higit sa lahat, magaling sa basketball. Pero dahil nga sa mga problema, nagkawatak-watak kaming lima.

Dale Ayala. Ang napakacold na boyfriend ni Krishna. Ang totoo, hindi naman talaga sila ang dahilan ng suicidal 'kuno' actions ko, kundi ang panlolokong ginawa nila sa akin. Sila na pala, hindi man lang ako nainform. Trip-trip lang kasi sana 'yung sa amin ni Krishna kaso sineryoso ko kaya ako din ang kawawa pero okey na naman kami ni Dale. Nagthank you pa nga ako sa loko-lokong 'to dahil nakilala ko si Ysabelle ng dahil sa kanya. Medyo wala na lang akong tiwala sa loko pero mas maayos na kami. Ayaw ko lang na lumalapit siya kay Ysabelle.

North Herald Angeles, mas kilala bilang 'Herald'. Siya ang pinakabata sa amin pero siya ang pinakamatalino, pinakamature mag-isip. Hindi 'yan sumisira sa pangako niya. Galit sa mga promise ruiner. Ewan ko, pamisteryoso lagi ang isang 'yan. Tatahi-tahimik pero kapag dumiskarte, mapapanganga ka na lang. Patay na patay 'yan dun sa pamangkin ni Joseph na si Christine pero 'yung Christine pala ay kapatid nung nagligtas sa kanya dati na pinangakuan niyang poprotektahan niya habang buhay. Kaya ayun, windang ang ungas. Nalilito kung sino nga ba sa dalawa ang pipiliin niya, si Harmony o si Christine. Bahala siya. Sabi ko nga, gamitan ng set theory baka masolve niya na kung sinong pipiliin niya..

Joshua Gil. Kaapilyedo ko lang siya pero hindi kami related pero kahit ganu'n itinuturing naming pinsan ang isa't-isa. Hindi kami masyadong close ng babaerong ito pero dahil sa pag-aaway namin ni Joseph at pagkabuwag ng grupo, naging mas malapit kami. Sa kanya ko rin natutunan kung paano makipaglaro sa mga babae. Ayon din sa loko, 'Ang babae parang bola ng basketball. Kapag hindi ikaw ang naglaro at nagpaikot-ikot ng bolang iyon. Ikaw ang paiikutin sa huli.' Ayun, sa sobrang dala dun sa mga nauna niyang girlfriend na niloko lang siya, hindi na nagtiwala at pinakawalan ang babaeng mahal niya na pala. Kung magkakataon, magiging totoong magkamag-anak na kami.

Taze Joseph Lee. Tinatawag ni Ysabelle na Tjay. Ewan kung bakit 'yun ang tawag niya, eh isa lang naman ang tumatawag sa kanya ng ganu'n bukod sa kanya, 'yung pinsan ko. Tss.. Si Joseph ang pinakakina-iinsicure-ran ko sa kanilang lahat. Alam ko namang pare-pareho lang kami pero iba kasi siya. Palagi akong ikinukumpara sa kanya. Si Joseph na ang mabait. Siya na ang magalang. Siya na ang masunurin. Ako na ang pasaway. Nakakainis lang, lagi na lang ganu'n, 'di hamak naman na mas gwapo at mas matalino ako sa kanya. Siguro nga mas pasensyoso at mas mabait lang siya kaysa sa akin.

Ako. Si Dylan Jude Lim. Huwag kayong aangal, iyan ang dati kong pangalan. Dylan ang tawag nila sa akin. Ayoko ng Jude. Peste kasi 'yung pinsan ko, 'HUDAS' daw kasi ako.. Baliw ang isang iyon. Sanay na akong palaging nagt-top sa lahat ng bagay. Maliban na lang sa academics. 160 lang kasi ang I.Q. ko samantalang si Herald at 170 kaya natural na mas magaling sa akin ang kaibigan kong iyon. Ako ang pinakamayaman sa kanila. Ang pinakagwapo. Oo na, mayabang na kung mayabang pero totoo naman na ako talaga ang pinakagwapo. James Reid, Furukawa Yuuki, Soon Joong Ki, Mario Maureer, Kim Soo Hyun? Sino 'yun? Walang panama ang mga 'yan sa akin. Ako kaya si Dylan Lim Gil.

Naabutan ko si Ysabelle sa guest room na pinuntahan naming dati. Umiiyak. Hindi ko magawang humakbang papalapit sa kanya kaya tiningnan ko na lang siya. Tinitigan ko na lang siya mula sa malayo. Tiningnan ko ang damages na ginawa ko sa kanya.

"Dylan.. Go ahead." Tinapik ni Krishna ang balikat ko. Nakita kong naandoon rin si Joseph.

Pumasok ako sa loob ng hindi niya namamalayan. Nakatungo siya noon at umiiyak. Ano bang nagawa ko?

"Ysabelle.." Panimula ko. Mas lalong lumakas ang hikbi niya.
Niyakap ko siya kahit itinutulak niya ako. Hindi ganoon kalakas dahil alam kong nanghihina na siya. Lahat ng iyon ay dahil sa akin. Sinaktan ko siya.

"Sabi ko di ba, hindi kita gusto! Ang panget mo! Ang bobo mo! Ayoko sa'yo! Mayabang ka! Feelingero! Pafamous! Mahilig mang-asar! Ikaw 'yung least of person na gugustuhin ko, pero bakit? Bakit hindi nga kita ginusto dahil minahal na kita?" Humikbi na naman siya. Umiiyak lang siya kapag kasama ako. Nakakaguilty.

"Sorry.."

"Sorry kasi may gusto kang iba. So lame reason!" Naiiyak na naman siya.

"Sorry.." Parang iyon lang ang nasa bokabularyo ko. How lame am I?

"Paano ka ba kalimutan?"

Napailing na lang ako. Pareho lang naming hindi alam ang sagot.
"Ikaw sabihin mo ang sagot?" Umiling din siya. ".... matagal mo nang sinasabing iba nag gusto mo pero kahit kelan, hindi nag-sink in sa utak ko. Kaya sabihin mo, paano kita tuturuan kalimutan ako kung ako nga sa sarili ko ay hindi ka magawang kalimutan?"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala... Kalimutan mo na lang na may sinabi ako." Iniwanan ko siya sa ganoon ding posisyon. Baka hindi pa ako makapagpigil at aminin ko pa na mahal ko siya.

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon