HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche143 (I MISS YOU)
ON Ruth Ysabelle’s POV
“Ysabelle..” Hindi ko napigilan na umiyak habang sa kabilang linya ay pinipilit nyang buuin ang mga salita nya. Mukhang ito na muna ang huli nyang tawag sa akin dahil maya-maya lang ay aalis na siya gaya ng nalaman ko.
“How can you do this? Bakit hindi mo sinabi sa akin na magpinsan pala tayo?” Hinanakit niya.
“Hindi ko rin naman alam pero ano naman kung magpinsan tayo, hindi naman kita gusto!” I lie. Nagsinungaling ako kahit alam kong alam na niya nag totoo.
“Alam ko naman na hindi mo ako gusto pero bakit ang tanga ko at hindi kita kaagad nakilala?”
“Ewan ko. Tanga ka lang siguro. Gesh, nainlove ka sa pinsan mo! Sa akin, nakakatawa ka!” I lied again. Hindi siya tanga dahil mas tanga ako para hindi masabi na ganun din ang nararamdaman ko sa sarili kong pinsan. This is incest. Nakakadiri!
“May isang tanong lang ako bago ako umalis, nakadepende rito ang lahat..” Tinawanan ko siya ng pilit pasalamat na lang ako at hindi ako pumiyok sa cellphone.
“Ano ‘yun?”
“Mahal mo rin ba ako?” Tumawa ako ng mas malakas.
“Nagpapatawa ka? HINDI NA nga kita gusto, di ba? Kaya malamang HINDI..” Pinatay ko ang phone. Ito na yata ang pinakamabigat na pagsisinungaling ko. Ang sakit pala. Iyon ang una naming pag-uusap magmula ng malaman kong magpinsan kami at mukhang iyon na ang huli dahil hindi niya na ako kinontact mula noon.
Malaki na ang nagbago sa akin mula ng makaalis si Angelo papuntang ibang bansa. Si Tjay naman, medyo naghihinay-hinay na sa pakikisalamula sa akin. Syempre, para malimutan na ako, para makamove on na. Alam ko naman 'yun...
Ngayon ko lang kasi narealize ang halaga nilang dalawa sa akin. Ang laki pala ng magbabago sa buhay ko kung hindi ko nakilala ang dalawang iyon. Magiging mas boring ang buhay ko. Sa bagay, boring naman ang buhay ko 'dati' nung hindi pa sila dumarating.
Nagring ang cellphone ko. Halos tatlong taon na rin pala magmula nung graduation namin. Tatlong taon na rin magmula nung iwanan ako ni Angelo at malaman kong siya pala si DJ Lim at na magpinsan kami."Hello..."
"Ysa..." Narinig ko ang tawag sa akin ng pinakamamahal kong Lolo. Alam kong kukulitin na naman ako nito.
"Bakit po?"
"Ysa.. Pumayag ka na kasi.." Sabi ko na nga ba, eh.
"Lolo, ayokong iwan sila Nanay at Tatay dito. Sila Nanay Vic din, ayoko silang maiwan dito." Tumawa si Lolo sa kabilang linya. Nakakapagtaka, may nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi naman ako nagjojoke. "Lolo naman, eh.."
"Ysa, ganu'n ba kapoor ang tingin mo kay Lolo." Medyo nagtatampo ang boses niya.
"Ano ba kasing plano mo, Lolo." Nacurious tuloy ako sa mga sinasabi niya.
"Basta... Ano, payag ka na ba? Is it a yes?" Hoping 'yung boses niya.
"O siya. Oo na po. Basta, Lolo, ha. Huwag na huwag mo na akong ipapadate sa kung sinu-sino kung ayaw mong hindi na kita talaga pansinin. Magtatampo na talaga ako!" Ang banta ko.
"Promise, apo. Ayoko na rin kasing mag-ayos ng mga demanda. Sige na, bye.."
Two months ago kasi, kung sinu-sinong ipinadate sa akin ni Lolo. Psshhh... Mayayaman nga ang papangit naman ng mga pag-uugali. 'Yung una, ubod ng arogante. Akala ko nga ay wala ng mas arogante pa kay Jelo, 'yun pala ay may mas malala pa. Ayun, ikinuwento sa akin ang lahat ng properties na pagmamay-ari nila sa Ayala. Psshhh... Sila na ang mayaman. Ipasapak ko siya sa pinsan niyang si Dale, nakita niya! Dahil inis at irritable talaga ako sa mga mahahangin at NAPAKAYAYABANG, iniwanan ko nga sa gitna ng pagyayabang niya. Buti na lang, bestfriend ni Lolo ang Lolo nito at pinsan niya ang boyfriend ng bestfriend ko dahil kung hindi ay nasapak ko na ito at malamang ay ipinakain ko na sa kanya ang mga sinabi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/41613834-288-k930974.jpg)
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
ChickLitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...