COMPLICATED 1: 'Provincial Hall'

369 18 5
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

COMPLICATED 1: 'Provincial Hall'

Para ito kay Steffany Villanueva steffyeol.. Thanks sa pagsupport. Love lots!

Malamig ang hangin. Hindi pa nasilip si Haring araw. Wala ring senyales na may papatak na ulan. Katamtaman ang panahong ito para sa lahat ng magkakaroon ng out-door activities.

Pinuntahan ako ni Jelo sa bahay at nagdala ng dalawang bisikleta at inaya nya akong sumama sa kanya. Ewan ko nga ba kung paano nya ako napapayag sa ganitong gimik nya. Wala akong ideya kung hanggang saan kami makararating. Wala rin namang kaso kung maligaw kami, dalawa naman kami kaya hindi dyahe.

Habang nagbibyahe sakay ng bisikleta, tipikal pa rin siya, madaldal at walang ipinagbago maliban na lang sa mga katotohanang alam ko.

Ang kwento nya, 30% yabang, 40% katha at 25% joke at 5% katotohanan. Kahit puro ganun at alam kong minsan nililinlang nya lang ako at may maikwento lang, eh nakikinig pa rin ako.

Hindi ko alam. May magic yata ang mga salita nya at kahit alam kong malabong mangyari ang mga sinasabi nya ay walang sawa pa ring tinatanggap pa ng mga tenga ko.

Nasa may paanan na kami ng isang bundok dito sa Laguna ng bigla siyang tumahimik. Mahabang katahimikan ang namayani. Maririnig mo ang nakarerelax na ingay ng nagsasayawang puno sa saliw ng musika ng hangin. Banayad. Nakarerepresko.

Bumagal ng kaunti ang takbo ng bisikleta nya sa dati nitong takbo. Nalagpasan ko na siya at ako na ang sinusundan nya ngayon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil ganyan na naman siya, biglang tatahimik. Madalas, hindi matantsa ang iniisip at ang ugali.

Usap ako ng usap pero tumingin ako sa likod at wala na siya. Naiwan ko na pala. Kung may ibang taong nakakapanood sa ginagawa ko kanina, paniguradong mamamatay 'yun sa katatawa.

Wala akong nagawa kundi ang balikan siya. Diretso lang akong nakatingin sa kanya at siya sa akin. Nakatigil ang kanyang bisikleta sa may bangin. Nakasuot siya ngayon ng simpleng black t-shirt na may tatak na 'RESERVED' gamit ang puting pintura. Naka-nike shoes siya. May knee caps at head gear din siya gaya ng ipinasuot nya sa akin.

Ngumiti ako at umiwas lang siya ng tingin. May pagkasupladong maldito talaga ang isang 'yon at sanay na ako.

"Bakit ka tumigil?" Ang bungad ko pagkalapit ko sa kanya.

Nakapamewang pa siya habang hindi ako pinapansin at may tinitingnan sa langit.

Bastos talaga ang isang 'to kahit kelan. Nasa kalapit ang kausap, tapos sa langit titingin. Nacurious tuloy akong sulyapan saglit ang tinitingnan nya.

"Ang ganda.." Napabulalas ako sa nakita ko. Umaga na pala talaga. Ang astig ng sunrise. Makapatid-hininga!

"Maganda.." ang pag-uulit nya habang ibinabaling ang pansin sa direksyon ko. Ngumiti siya at nanahimik na naman. Ano bang problema nya? Mahigit kalahating oras na siyang ganyan. Hindi ako sanay.

Pinatakbo ko na ang bike at magpapatuloy na sana ako ng wala sa wisyo niyang bigkasin ang mga pananalitang hindi ko alam kung saan nanggaling.

"Kung may gusto kang sabihin, wag kang mag-alangan, isigaw mo. Handa naman ang tenga ko na makinig sa lahat ng gusto mong iparinig." Napatigil ako at napalingon sa kanya. "Kaya ko ring tumigil para pakinggan ka."

Lalo akong natameme sa sinabi nya. Kaya pala siya tumahimik ay para pakinggan naman ako. "Pa'no 'yun, wala naman akong maikukwento?"

Ngumiti lang siya. "Kung ganu'n tatanungin na lang kita."

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon