HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©AnnericheCOMPLICATED 2: 'Pirma'
I know how it feels when everyone sees you as NOBODY. I feel you, Cess aka Prncessynity. So please, keep it up, sweetheart! 😊
Dylan Jude's POV
Siya ang pinakamagandang babae sa paningin ko ngayon. Sa maniwala kayo o sa hindi, siya rin ang unang taong nakita ko magmula nang pumasok ako sa Hall na ito.
'I know that I'm in LOVE again, after a long while.' Napangiti ako.
Busy siyang nakikipag-usap sa babaeng kalapit nya at as usual ay tumatawa na naman. Mas lumawak tuloy ang ngiti ko habang minamasdan siya.
Napansin kong napatingin siya sa direksyon ko kaya nagtago ako sa mga tao sa paligid ko. Nakakatawa lang dahil patuloy lang siya sa paglinga-linga sa direksyon ko. Umalis muna ako para mag-ayos ng kaunti para hindi nya ako gaanong makilala.
Narinig ko pa ang musikang nagmula sa mga paghalakhak nya nang pumunta ako sa tapat nya. Tiningnan nya lang ako at hindi din ako nagsalita. Pinigilan ko ang sarili ko kahit ginusto kong magpakilala. Ang ironic lang nang pakiramdam. Nakakabobo. Nung hindi ko na kinaya, umalis na ako sa tapat nya at pumunta na sa registration. Magtatanga-tangahan na naman sana ako at magkukunwaring hindi ko alam kung anong meron sa stage pero hindi ko ginawa.
May kung anong elemento sa mga mata nya na nag-iwan ng kirot sa puso ko nung umalis ako sa harapan nya. Mukhang nakikilala ny ako. Hindi nya lang maala-ala. Isang malungkot na ngiti ang nabakas sa akin. Mahal na mahal ko na nga siya.
Dumating siya sa panahong inakala kong wala nang kwentang buhay ko. Isa siyang himala galing sa langit. Masasabi kong TADHANA ang nagdala sa kanya roon para iligtas ang buhay ko. Hindi lang ang buhay ko dahil pati ang puso ko ay nagawa niyang hilumin. Ang sampal na tinamo ko mula sa kanya, iyon ang nagligtas ng lahat-lahat.
Inakala kong kaya ko siyang balewalain nung gawin at sabihin nya sa isang estrangherong katulad ko ang lahat nang bagay na makasasakit sa akin pero nagkamali ako. Kahit hindi ko pa siya kilala noon, naipakita nyang may concern siya sa akin. Inakala ko kasing wala nang magmamahal sa akin dahil palagi akong iniiwan ng mga taong minamahal at nagmamahal sa akin.
Dahil sa curiosity, nainakala kong basta-basta lang ay pinaimbestigahan ko siya. Lahat-lahat, pati ang buo nyang pagkatao. Hanggang sa hindi ko na lang namalayang minamahal ko na pala siya mula sa malayo.
Nung makumpirma ko sa sarili ko kung ano ang mahiwagang bagay na iyon, ginawa ko ang lahat ng bagay na posible kong magawa para mapalapit sa kanya.
Nawala ako sa konsentrasyon sa mga bagay na iniisip ko hanggang sa hindi ko namalayang tinititigan ko na pala siya at ganun din ang ginagawa niya. Nu'n ko lang natanto na talagang may kakaiba sa mga mata nya. Noon ko lang kasi natitigan ng ganoon katagal ang mata niya. Nakakaadik ang mga iyon. Naaaning na yata ako gaya nang palaging kantsaw sa akin ng walangya kong pinsan na si Josh. Naparesearch tuloy ako nang wala sa oras tungkol sa sintomas ng pagkakaroon ng mental disorder pero natawa na lang kaming tatlo nila Herald. Isa lang kasi ang palaging sagot ni Google sa walang kwentang gumugulo sa isip ko nuon. Pati siya ay nahihirapang magresearch... Pesteng resulta, 'PAG-IBIG'.
Napailing ako dahil kahihiwalay lang namin nang girlfriend ko noon pero may pwersang nagtutulak sa akin na hanapin at maging malapit sa kanya kaya hinayaan ko lang pero natakot akong baka ayawan niya ako. Takot pa naman ako sa rejection dahil sa dalawang tao lang naman ako nakaranas mareject, kay Dad at kay Cassandra. Maling-mali ako nung ipagpaliban ko 'yun, na hindi ako lumapit kaagad.
BINABASA MO ANG
Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)
Chick-LitCOMPLETED Paano mo mapaninindigan ang sinabi mo, maraming taon na ang nakalilipas kung nagbago na ang nararamdaman mo? Masasabi mo pa bang HINDI KITA CRUSH kung ang totoo ay nahuhulog na ang loob mo sa kanya? #78 in Chicklit 09/29/17 #119 in Chick...