143 (INCORRECT)

223 23 1
                                    

HINDI KITA 'CRUSH'! PERIOD.
©Anneriche

143: (INCORRECT)

Nangyari ito pagkatapos ng graduation pagkaalis nila Angelo papuntang Hong Kong. 

1+4+3= 8 (INCORRECT) 

ON DYLAN ANGELO'S POV 

Mahirap talagang iwanan ang isang tao lalo na't napamahal na sa iyo nang sobra. 'Yung daig pa nang inoperahan ng walang pangimi ang puso mo. Hindi ko maidescribe ang sakit. Mukhang wala na talagang proper description na makapaglalarawan ng kirot na nadarama ng isang tao kapag ganun ang nangyari. At masasabi kong totoo iyon.

Ngayon ko lang kasi naramdaman na mas mahirap at mas masakit pala ang iwan ang taong mahal mo dahil lang sa dalawang stupid na dahilan. Ang una ay dahil naduwag kang ipaglaban siya nung may pag-asa ka pa at ang ikalawa ay dahil sa lintik na family tree nyo, magkamag-anak pala kayo.

Dammit! Gloss!! INCEST! 

Mukhang naging masama yata ako sa nakaraan kaya ngayon ay puro ganito ang ganti sa akin. Ang saklap. 

Hindi na namin nai-celebrate ang graduation ko dahil paalis na rin kami mamayang gabi.  Naririnig ko si Lolo habang kausap si Mommy.

"Dad, nakausap ko po si Ate Lorna."  Hindi ko narinig ang sagot ni Lolo pero nagpatuloy si Mommy. "I think this is the right time to forgive her, Dad. Matagal na naman po iyon, it was almost three decades at malaki na ang apo nyo. Maganda siya at lumaking matalino.." Napatingin sa direksyon ko si Mommy kaya tinapos niya na ang pakikipag-usap kay Lolo.

Nacurious ako kaya itinanong ko kay Mommy kung sino ang tinutukoy nila pero ngumiti lang siya at may pahiwatig na sumagot. 
"Malalaman mo rin." Tinapik niya ang likod ko at umalis na. 
'Paano ko kaya malalaman kung hindi nya naman sasabihin?' Ang bulong ko.  Mabilis na lumipas ang mga araw at isang taon na rin pala ang nakalipas, dumating na rin ang pagkakataon ko para patulayan kung sino nga ba talaga si Angelo Gil. 

Dylan Angelo Gil. Iyon na ang ginamit kong pangalan. Tutal, 'yun ang gusto ng mga magulang ko.  Narito ako sa Gil Empire at dito na ako magtatrabaho magmula ngayon. Pumasok ako sa salaming pinto na awtomatikong nagbukas ng dumaan ako. Makikintab at mapananalaminang marmol ang tinutungtungan ko. Napakalawak ng paligid at napangiti na lang ako ng magsiyuko ang lahat ng makikita ko sa daan, bawat isa sa kanila ay tinatawag akong 'Sir'. 

Nasa likuran ko si Dad pero kahit ilang ulit kong tingnan ang mga tao, ako talaga ang tinatawag nilang 'Sir'. Naguluhan na ako kaya nagtanong na ako kay Daddy. 

"Dad, can you explain what's going on? Akala ko ba, computer engineer lang ako dito? Pero bakit ganyan sila kung makaasta?" Itinuro ko pa 'yung mga nadadaanan naming empleyado na isa-isang bumabati. NAKNANG TOKWA! 

Napatawa si Dad sa reaksyon ko. "Son, masanay ka na. You're the C.E.O. starting today." 

Nanlaki ang mga mata ko sa natuklasan ko. Hindi ako kaagad nakapagsalita. "My resignation letter is now effective." Hinimas nya pa ang ulo ko. I'm 22 years old pero para pa rin akong bata sa asta niyang iyon.

"Why, Dad? Bata ka pa at malakas ka pa." Ang reklamo ko.

Gusto ko kasing sa pinakamababa o kahit maging isang ordinaryong empleyado muna ako. Alam ko namang darating ang panahong ito pero hindi ko ineexpect na ganoon kabilis. 

"Dad, paano 'yung company ni Lolo? Papaano 'yung Lim Corporation?" Napakunot na ang noo ko. Nakababaliw talaga kapag nag-iisang anak ka lang at nagsosolong apo. 

Hindi kita 'CRUSH'. Period!(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon